Natutuyo ang vagina | Bandera

Natutuyo ang vagina

Dr. Hildegardes Dineros - September 27, 2013 - 03:00 AM

DOC, may gamot po ba sa mabahong hininga? Pinabunot ko na po ang lahat ng bulok na ngipin ng GF ko, mabaho din po ang likido sa ari niya. Please help naman po. — …8098

Ang pinakamabisang gamot sa mabahong hininga ay proper hygiene ngunit may mga kondisyon na naapektuhan ang ating hininga tulad ng reflux, paninigarilyo o kaya ay cavities. Kung mabaho ang likido sa ari niya, ito ay maaring dulot ng impeksyon. Siguraduhing magpunta sa gynecologist upang malaman ang dahilan nito.

Good morning, Doc Heal. Si Bai po ito ng Cotabato, tanong ko lang doc, nagpa-depo ako dati pero di po ako hiyang. Nag-spotting po ako araw-araw at ngayon ang advice po sa akin ng OB ko na mag-pills ako. Itatanong ko po kung di po ba makakasama sa internal organ ko ang pills? o baka may side effect kasi diabetic po ako, type 1. At ngayon po nag-pills na po ako, madali po ako mapagod at hingalin at pumapayat ako now. Ano po ba pwede sa akin na contraceptive? — …1291
Kailangan maayos muna ang iba mong problema gaya ng diabetes at iba pang kumplikasyon nito. Hindi naman nakakasama sa reproductive organs mo ang pills nguni’t ang reaksyon mo dito ay maaring iba sa normal dahil sa iyong kalagayan. Posible din na ang nararamdaman mo ay walang kinalaman sa pills mo.

Hi, po doc, si Cathy ng Davao po. Ask ko lang po bakit sa tuwing nagsesex kami ng asawa ko ay sumasakit ang aking organ pag pasok po ng penis niya. Tapos bakit po feeling ko natutuyo yung vagina ko? Please help po ano ang gawin ko. — …3394

Cathy, ang pagkatuyo ng vagina mo ang maaring dulot ng sakit na nararanasan. Pakiramdaman mo ang sarili at obserbahan kung may sakit din na nararanasan tuwing ikaw ay nireregla. Magpatingin sa gynecologist.

Dear Dr. Heal, ask ko po anong gamot sa pamamanhid ng paa at kamay? May constipation problem din ako. May maintenance po ako, Metformin 850mg, Gliperide 1mg, Micardis plus 40/12.5mg & Amlo dipine 5mg tnx & more power:-) Tony Boligao, Tubigon, Bohol , …7239

Kasama Tony sa iyong diabetes ang mga nararamdaman mo. Kailangan makontrol ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng maayos na diet (high fiber, low sugar) at ehersisyo kasabay ng mga gamot mo. Dagdagan mo ng Vitamin B-complex. Sa constipation mo, dagdagan mo ang water intake at fibers sa iyong diet.

Pwede po bang magtanong? Sumasakit po ang kaliwa kong balakang, pati tiyan ko sumasakit din at pag tumatayo ako ay mabigat ang tiyan ko. Pag umiinom ako ng Alaxan FR ay nawawala naman kaya lang pagkalipas ng maghapon ay sumasakit na rin po uli. Ano po ba ang dapat kong gawin, sir? Dapat ba akong magpatingin? — 3228

Magpatingin ka kahit sinong doctor, kailangan mo ng mga tests—urinalysis at abdominal ultrasound.

Doc, good afternoon po. Ako po ay tumigil mag-pills, mga 2 months na po. Kailangan po ba talagang magpa-papsmear? Kasi hanggang ngayon ay hindi pa ako nagpapa-OB. Mahal po kasi. Tapos po ngayon po madali po akong magpanghi kahit na gumagamit ako ng feminine wash. Thank u po. –Bon, 26, Bacolod City, …0708

Bon, importanteng magpa-papsmear ang mga babae dahil ito ay isang screening para maiwasan ang cervical cancer. Kung ikaw ay low risk, (hindi madalas makipagtalik, iisa lang ang partner, malusog ang kondisyon) kailangan mo lamang ito gawin bawat 2-3 taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending