“NGAYON ko lang nari-realize na grabe pala ‘yung pinagdaanan ko dati!”
Ito ang nasambit ng Kapuso actress na si Bianca Umali patungkol sa mga madadramang tagpo sa kanyang buhay noong bata pa siya.
Inalala ng dalaga yung panahong namatay ang kanyang mga magulang, ang pagiging ulilang-lubos at kung paano siya naging independent sa buhay sa murang edad.
“My mommy passed away when I was five because of breast cancer. And then my daddy passed away naman when I was 10 because of a heart attack.
“And then ever since I was 10, naiwan na ako sa lola (Vicky Umali) ko and I started living independently, I was 16 na up until today,” ang simulang pagbabahagi ni Bianca sa podcast ni Pia Arcangel na “Surprise Guest.”
Nakakabilib ang tapang at paninindigan ni Bianca na talagang lumaban nang patas sa buhay sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok mula nang pumanaw ang mga magulang.
Saan nga kumuha ng lakas at inspirasyon ang aktres noong magsunud-sunod ang pagsubok sa kanya, “Kapag naalala ko, looking back I really couldn’t decipher kung ano ba ‘yung mga particular na pinanghawakan ko in life, e.
“Kasi nga bata pa ako, so I really did not understand the gravity of my situation at all noon nang nawalan ako ng mommy at daddy. And I was living independently.
“Ngayon na tumatanda ako, ngayon ko lang nare-realize na grabe pala ‘yung pinagdaanan ko dati,” pagbabalik-tanaw pa ni Bianca.
Dugtong ng dalaga, “And I think that the only thing was keeping me strong was the thought of my mommy and daddy guiding me.
“I always thought of them as my guardian angels na palagi silang nasa shoulders ko.
“That they always have my back and that they are always protecting me, even na hindi ko sila nakikita,” lahad pa ng girlfriend ni Ruru Madrid.
https://bandera.inquirer.net/291028/bianca-umali-nagpabakuna-para-sa-kapakanan-ng-pamilya
https://bandera.inquirer.net/310944/bianca-umali-sa-mga-walang-kwentang-bashers-hindi-ko-igaganti-sa-kanila-kung-ano-yung-ginawa-nila-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/308042/bianca-umali-payag-mag-join-sa-beauty-pageant-pero-ang-tanong-papasa-kaya-ako-sa-height-requirement