Denise Laurel super happy sa life kahit walang dyowa: OMG! Ayaw ko na ng sakit sa ulo!

Denise Laurel

SUPER happy ngayon ang Kapamilya actress na si Denise Laurel sa kanyang single life.

Wala raw siyang boyfriend ngayon kaya ang lahat ng panahon at oras niya ay kanyang inilalaan sa sarili, sa trabaho at sa nag-iisang anak.

“Right now, I love being by myself. Less stress, less hassle, less worrying about joggling so much of my time. Really enjoying every bit of my creativity na petiks lang ako sa time ko,” masayang pahayag ni Denise sa “Inside News” ng Star Magic.

Dagdag pa niyang chika, kuntento at maligayang-maligaya siya ngayon kahit walang lalaki sa buhay niya.

“I can go with my own flow. I can enjoy and take care of my son the way I want to. I can be myself without any judgment. So I’m so happy just being single. God, ayaw ko na ng sakit sa ulo,” natatawang chika ng aktres na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “Flower Of Evil” starring Piolo Pascual and Lovi Poe.


Aminado si Denise na kapag nasa isang relasyon siya, talagang bigay-todo siyang magmahal. Pero sabi ng celebrity mom, hindi naman sa isinasara ang kanyang puso sa usaping lovelife.

“Well, I’m not God. So if God wants me to be with somebody, yeah, sure. But feeling ko I am so cool by myself, like I don’t need anyone or anything.

“Of course, I’m so thankful for my family and friends. If God wants, gagawan niya talaga ng paraan kahit ayaw ko. Pero for now, no,” mariing sabi ni Denise.

Dating dyowa ni Denise ang basketball player na si Sol Mercado na engaged na ngayon sa former beauty queen na si Sandra Lemonon.

Model-politician umalma nang madamay sa pambabatikos kay Poblacion Girl; nega sa COVID

Angel, Jodi, Kathryn, Joshua, ‘It’s Showtime’, iba pang programa ng ABS-CBN winner sa The Golden Laurel 2022

Baguhang sexy star na si Denise Esteban handang makipagsabayan sa hubaran kina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang

Read more...