MARAMING netizens ang na-touch at na-inspire sa ginawang “tribute” ni Gretchen Ho para sa dati niyang driver na nagbabalik na sa kanya para makapagserbisyo uli.
Nagkuwento ang TV host sa kanyang social media followers tungkol sa pinagsamahan at mga pinagdaanan nila ng naturang driver noong magkasama pa sila sa trabaho.
Sa kanyang Instagram, ipinost ni Gretchen ang ilang litrato nila ni Sandy Ganacial kung saan talagang winelkam nga niya ito nang bonggang-bongga bilang nagbabalik niyang driver.
“Ito talaga ang pinaka namiss ko sa lahat! Si Sandy Ganancial yung driver na kasama ko araw-araw sa biyahe papunta sa mga location namin sa UKG (Umagang Kay Ganda).
“Mapa-7 hour drive man papuntang Quezon o 15 minutes papuntang Maginhawa, he always made sure I got to work on time,” simulang mensahe ni Gretchen kay Sandy.
“Will never forget how he fought to be my sole driver back then so he could make sure that I was safe on the road, instead of having a different driver everyday.
“Siyempre, itago na lang din natin yung tunay na dahilan na maraming pagkain kapag nasa remote ako bilang #TikimPrincess ng show,” aniya pa.
Bukod pa rito, “Si Sandy rin yung isa sa mga dahilan kaya kinaya kong rumaket pa sa gabi. Kapag late kasi ako nagigising coming from hosting events the past night, tatawag yan sa amin para gisingin ako, tapos magkukumahog sa daan para lang umabot kami sa unang salang.
“Binilhan pa nga ako ng kutson para makatulog ako nang mabuti sa dala niyang Grandia. Sumasakit na kasi yung likod ko nun,” kuwento ni Gretchen.
Nasaksihan din daw ni Sandy ang kanyang mga tagumpay at heartbreaks, “Dami namin pinagsamahan nito. Bawat heartbreak, problema, tagumpay, at big break!”
Nang dumating nga ang pandemya at sinabayan pa ng pagsasara ng ABS-CBN, napilitang rumaket si Sandy bilang delivery rider para patuloy na masuportahan ang pamilya at mapag-aral ang mga anak.
“Come pandemic and the ABS-CBN shutdown though, because many shows were halted, Sandy had to juggle being a rider of both Lalamove and Angkas to be able to augment the income he lost from less shows and shifts. He still has a kid in college, and another one in Grade 7.
“Natatandaan ko dati, nabanggit ko lang sa isa sa mga biyahe namin, bilang hustlers kami.. ‘Sandy pag yumaman na ako, ikaw magmamando ng Farm ko ah.’
“Ayun.. wala pa rin naman tayo dun, pero dito muna tayo sa show ko. One step at a time. Welcome back. Papayat na tayo!” chika pa ni Gretchen Ho.
Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa pa-tribute ng TV host sa kanyang driver.
“This made me cry. Kuya Sandy sounds like a nice guy.”
“Ang sipag ni kuya. Ang swerte mo idol. Stay safe always.”
“Mabuting tao si kuya Sandy at ganon ka rin po Miss Gretchen Ho. I admire you.”
Kasalukuyang napapanood si Gretchen bilang anchor ng “Frontline sa Umaga” ng TV5 at “The Big Story” sa One News. Siya rin ang sports segment anchor ng “Frontline Pilipinas” ng TV5.
https://bandera.inquirer.net/297975/nadine-sa-nahihirapang-mag-move-on-sa-nawasak-na-relasyon-wag-madaliin-just-take-it-slow
https://bandera.inquirer.net/296825/aj-raval-nagbabalik-social-media-matapos-magtanggal-ng-posts-sa-instagram
https://bandera.inquirer.net/296855/nagbabalik-na-aktor-tumakas-sa-lock-in-taping-todo-deny-kahit-huli-sa-cctv