Character actor nilayasan ang asawa’t mga anak, sumama sa bagong karelasyon

Guess, Guess who! Ma-gets n'yo kaya kung sino siya?

Guess, Guess who! Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

NAAWA kami sa pamilya ng isang character actor na iniwan na naman niya para sumama sa bago niyang karelasyon.

Dati nang nabalitang nagkahiwalay ang character actor at asawa nito dahil sa pangangaliwa ng una pero ilang taon lang ang lumipas ay iniwan din siya ng karelasyon niya at muling bumalik sa pamilya at sa mga anak nila.

Nangako siya na hindi na magloloko ulit, susuportahan na niya ang kanyang mag-iina at ayaw daw niyang lumaki ang mga bata nang wala siya sa tabi nila lalo’t maliliit pa ang mga ito.

Personally kilala namin ang character actor dahil iisang lugar kami lumaki at sadyang mabait naman siyang tao at marepeto sa magulang niya.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa amin ng character actor noong nag-showbiz na siya at kapag nagkikita kami sa mga presscon ay magiliw pa rin siyang bumabati.

Open din siyang magpa-interview ‘yun nga lang hindi siya natatanong tungkol sa pangangaliwa niya.

Kuwento ng aming source ay kahit iniwan ng character actor ang mag-iina niya ay sustentado naman niya ang mga ito sa abot ng makakaya niya dahil bilang lang sa daliri ang projects niya at tulad ngayon, wala kaming alam na ginagawa niya.

Nakapagtataka lang kung paano natiis at nagawa ng character actor na iwan ang mga anak na pawang maliliit pa. Mas malakas ba ang tawag ng laman kesa sa mga anak niya?

Kung sadyang ayaw na ng character actor sa asawa niya bakit hindi pa siya nagpa-file ng annulment?
https://bandera.inquirer.net/280086/never-naman-akong-iniwan-ng-diyos-ako-ang-nang-iwan-sa-kanya

https://bandera.inquirer.net/308929/ouch-kris-nilaglag-si-herbert-napa-aray-sa-sinabi-ni-angel-tungkol-sa-pakikipagrelasyon
https://bandera.inquirer.net/291087/john-lloyd-hindi-iniwan-si-maja-noong-naging-kontrobersyal-ang-love-life

Read more...