Ogie Alcasid nagpositibo sa COVID-19 kaya absent sa ASAP: Inabot din…let’s do this Lord!

Ogie Alcasid

MARAMING nagtatanong kung bakit wala raw ang Ultimate Singer–Songwriter na si Ogie Alcasid sa “ASAP Natin To” ngayong araw, August 14.

Sinagot naman yan agad ng Kapamilya star sa pamamagitan ng official statement na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.

Kinumpirma rito ng mister ni Regine Velasquez na nag-positive nga siya sa COVID-19 na siyang dahilan kung bakit absent nga siya sa Sunday musical show ng ABS-CBN.

Ipinost pa ni Ogie sa kanyang Instagram account ang litrato ng dalawa niyang antigen test na nagpapatunay na tinamaan siya ng virus sa kabila ng pagiging bakunado.

Aniya sa caption, “After two and a half years since the lockdown, today Aug 14 2022, inabot din. Let’s do this Lord.”


Sunud-sunod naman ang mga mensahe mula sa mga kaibigan ni Ogie sa showbiz kabilang na sina Gary Valenciano, Jaya, Vina Morales, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Janno Gibbs, Chito Miranda, Ryan Agoncillo, Joshua Garcia at marami pang iba.

Isa si Ogie sa iilang Kapamilya stars na napapanood sa TV pitong araw sa loob ng isang linggo — mula Lunes hanggang Sabado ay meron siyang “It’s Showtime” at tuwing Linggo naman sa “ASAP Natin ‘To.”

https://bandera.inquirer.net/290385/ogie-umamin-kay-regine-nagselos-kina-piolo-at-robin-na-insecure-ang-lolo-mo-tsaka-ang-popogi-e

https://bandera.inquirer.net/305007/zsa-zsa-biglang-napaiyak-pagkatapos-kumanta-kasama-sina-regine-at-angeline

https://bandera.inquirer.net/301957/paalala-ni-maxene-sa-mga-marites-gamitin-ang-energy-sa-pagdarasal-kesa-magtsismisan

Read more...