SUMAILALIM sa isang medical procedure si Pasig City Mayor Vico Sotto na may kinalaman sa nararamdaman niyang sakit sa magkabilang tuhod.
Dahil dito, ibinalita ng alkalde sa kanyang mga constituents na hindi na muna niya mapupuntahan ang ilang mahahalagang events na nakakalendaryo na sa kanyang opisina.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Vico ang pinagdaanang procedure, “Kahapon sumailalim ako sa procedure na PRP o ‘platelet-rich plasma’ sa dalawang tuhod. Kaya bilin ng Doktor, bawasan ko muna ang paglalakad hanggang bukas (August 14-15, 2022).
“Kaya magpapaalam lang ako na limitado lang muna ang maaattendan kong events hanggang sa Martes,” aniya.
Patuloy pa niyang sabi, “Maraming salamat sa napaka husay na sina Doc Gar Eufemio ng Peak Form. Magsasampung taon na kong nagpapatingin sa kanila.
“Hindi ko na maalala ang bawat injury ko sa dami. pero yung sa tuhod talaga ang malaking problema dahil ang sakit maglakad tapos kulang ang oras ko para magpa therapy/gym,” sabi pa ni Vico tungkol sa kanyang karamdaman.
“Napaisip nga ako nung International Youth Day nung August 12 …33 yrs old pa lang ako, pang senior citizen na tong tuhod ko.. kailangan alagaan din natin ang ating KALUSUGAN.
“Kaya ito, sa susunod na buwan, HA/lubricant naman (pang senior na talaga haha), tapos strengthening program. Malay natin, makapag back from retirement (basketball emoji) pagkatapos ng ilang buwan,” pahayag pa ng anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.
https://bandera.inquirer.net/282154/janine-umaming-nagpa-therapy-it-has-saved-me-xx-times
https://bandera.inquirer.net/291996/angeline-sa-mga-gustong-magparetoke-go-hindi-mo-naman-ninakaw-yung-pera-mo
https://bandera.inquirer.net/300359/mike-enriquez-sasailalim-sa-medical-procedure-kaya-mawawala-muna-sa-gma-7