NANAWAGAN ang Soul Diva na si Jaya sa lahat ng mga nais tumulong sa kanilang pamilya matapos lamunin ng apoy ang bahay nila sa Amerika.
Sa pamamagitan ng social media, humihingi ang singer-actress sa mga taong may mabubuting loob ng tulong pinansiyal para maipatayo muli ang nasunog nilang bahay na matatagpuan sa Washington, D.C., sa Amerika.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jaya ang litrato ng kanilang pamilya kung saan makikita sa background ang nasunog nilang tahanan.
Dito, nagpasalamat si Jaya sa mga kaibigan at ilang kakilala sa US na tumulong na sa kanila at nagpahayag ng suporta at pagmamahal.
Aniya, nahihiya siyang i-post ang kanyang panawagan pero kailangan niya itong gawin para sa pamilya. Kalakip din nito ang link ng GoFundMe, isang online crowdfunding platform na nagpapahintulot sa mga taong lumikom ng pondo para sa iba’t ibang sitwasyon.
“We are grateful for all of your love and generosity! It’s hard to post this but anything will help us during this tragic time. May God bless you abundantly for helping us out! https://gofund.me/573b9792,” pahayag ni Jaya.
Bukod dito, ni-repost din ng singer ang panwagan ng asawa niyang si Gary Gotidoc, “With a heavy heart I have to post and share this. This will really help us get back on our feet.
“We appreciate your kindness and generosity! Thank you Allan Pajimula for setting this up for us. May God bless you all abundantly!” dagdag pa ng Soul Diva.
Sa ikatlong post ni Jaya mababasa naman ang kuwento ni Gary tungkol sa huling araw nila sa kanilang bahay bago ito matupok ng apoy.
“The last time we are ever stepping into this house! We had some pretty fun memories here during our short time.
“We will never forget all the kind neighbors we had that showed us love and support! It was a fun ride Capitola Pl. Now off to our new adventure and finding a new place to call home!”
Samantala, binura na ni Jaya ang unang dalawang posts niya sa social media.
Matatandaang nasunog ang bahay ng singer noong August 8 pero sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin siya dahil walang nasaktan sa kanyang pamilya.
https://bandera.inquirer.net/320906/bahay-nina-jaya-sa-us-nilamon-ng-apoy-god-is-so-good-we-are-all-safe
https://bandera.inquirer.net/319761/regine-jaya-muling-nagkita-super-bonding-sa-amerika-kulang-ang-oras-pero-grabe-ang-chika-di-ba
https://bandera.inquirer.net/319761/regine-jaya-muling-nagkita-super-bonding-sa-amerika-kulang-ang-oras-pero-grabe-ang-chika-di-ba