5 eksenang nagpaiyak sa madlang pipol sa pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

5 eksenang nagpaiyak sa madlang pipol sa pagtatapos ng Ang Probinsyano
TULUYAN na ngang nagwakas ang Kapamilya aksyon-serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Biyernes, Agosto 12.

Makalipas ang pitong taong taong pag-ere nito sa telebisyon, naging parte na rin ng buhay ng mga Pilipino ang panonood ng teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.

Sa loob ng pitong taon, maraming oportunidad ang binuksan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa mga manggagawa sa industriya lalong lalo na sa mga artistang muling nabuhay ang karera.

At ngayon ngang tuluyan nang nagwakas ang teleseryeng naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino, ating balikan ang mga eksenang talaga namang nagpahagulgol at nagpaluha sa madlang pipol.

Screengrabbed from ABS-CBN Entertainment YouTube Channel

1. Pagpatay nina Taduran at Espinosa kina Girona at Soriano
Sino nga ba ang hindi napaiyak nang mismong miyembro ng Task Force Aguila ang bumaril sa kanilang kasamahan?Hindi nakilala nina Girona at Villafuerte ang mga kasama sa grupo dahil pinagbihis ito tulad ng mga Buwitre at tinakpan ang kanilang mga bibig para hindi ito makapagsalita at makahingi ng tulong. Nang tignan nila ang mga mukha ng kanilang nabaril ay nagulat sila nang makita at malamang sila mismo ang kumitil ng buhay ng mga kaibigan.

 

Screengrabbed from ABS-CBN Entertainment YouTube Channel

2. Paglaban ng Task Force Aguila habang tumatakas sina Cardo at Oscar
Natanggap na ng Task Force Aguila na masyadong marami ang mga kalaban at kakaunti na lamang ang kanilang bala. Nagdesisyon si Diana na paunahin na ang mahal na presidente sa pagtakas kasama ni Cardo Dalisay. Bago ang tuluyang pag-alis nina Cardo ay nagbilin si Diana ay sinabing “Kapag tumakbo kayo, siguraduhin mong hindi kayo lilingon.”

 

Screengrabbed from ABS-CBN Entertainment YouTube Channel

3. Pagsusumamo ni Cardo sa Diyos na gabayan si Presidente Hidalgo at ang bansa
Habang lumalaban para isalba ang buhay at ang buong bansa laban sa mga Buwitre, nagdesisyon si Cardo na magpahabol sa mga kalaban upang makaligtas ang Presidente at makatakas sa lugar ngunit sa huli ay tinamaan na ito ng bala at unti-unti nang nanalangin sa Panginoon. Aniya, “Panginoon, kung ito na po ang magiging katapusan ko, huwag N’yo po sanang pabayaan ang aming bansa at ang lahat ng mga Pilipino.”

 

Screengrabbed from ABS-CBN Entertainment YouTube Channel

4. Paghagulgol ni President Oscar Hidalgo habang yakap yakap ni Aurora
Kasabay ng paghagulgol ng presidente ay ang pag-iyak rin ng mga manonood dahil damang-dama nila ang emosyon kung saan tila mag-isa lamang na nakaligtas ang presidente mula sa kanilang engkwentro mula sa mga Buwitre kung saan siya mismo ang kumitil sa buhay ni Renato Hipolito.

 

Screengrabbed from ABS-CBN Entertainment YouTube Channel

5. Pag-alala ni Cardo kay Lola Flora

Iba ang hatid na sakit ng eksena kung saan nalaman ni Cardo na hindi na siya nahintay pa ni Lola Flora at tuluyan na rin itong namaalam. Ang eksenang ito ay naging tribute sa namayapang Susan Roces, ang nag-iisang Queen of Philippine Movies.

Matatandaang nitong Mayo 20 nang pumanaw ang nag-iisang Susan Roces dahil sa cardiopulmunary arrest. Tuluyan na nga niyang nakapiling sa kabilang buhay ang orihinal na “Probinsyano”, ang asawa nitong si Fernando Poe Jr.

At sa pagtatapos nga ng longest running action series ay hindi pa rin namatay si Cardo Dalisay ngunit nagdesisyon itong bumalik sa kanilang probinsya kasama ang pamilya. Sa huling eksena ng finale ay makikitang natagpuan ni Cardo ang kanyang minamahal na si Mara habang nakatayo ito malapit sa dalampasigan.

Related Chika:
Pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ tinutukan ng madlang pipol, CocoJul fans happy sa ending

‘May dahilan kung bakit iniligtas ng Diyos si Cardo Dalisay, ayaw niyang mahulog sa masasamang kamay ang Pilipinas!’

Read more...