KC Montero ipinagtanggol si Alex, prank lang daw ang ginawa ni Matteo

KC Montero ipinagtanggol si Alex, prank lang daw ang ginawa ni Matteo
DINIPENSAHAN ni KC Montero ang “Lunch Out Loud” co-host na si Alex Gonzaga na kasalukuyang pinagpipiyestahan ng bashers.

Marami kasi ang bumabatikos sa nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga matapos mag-viral ang edited video mula sa kanilang noontime program kung saan biniro siya ng guest co-host na si Matteo.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni KC ang kanyang pahayag ukol sa naturang video at kung ano nga ba ang nangyari talaga noong kausapin ni Matteo si Alex.

Panimula niya, “Alex Gonzaga is being bashed so hard online now for a video that’s going around.”

Saad ni KC, “An edited video not showing what really happened. But here’s the real video that shows that the “serious” talk was just a set up to a prank.”

Marami raw ang nagsasabing dapa daw ay gumawa ng public apology si Alex dahil sa mga inappropriate nitong mga jokes ngunit para kay KC ay dapat ang mga bashers ang magsabi ng sorry sa kanyang co-host.

Gaya ng aming naunang naisulat dito sa Bandera, makikita sa video na sa umpisa ay seryoso si Matteo habang pinagsasabihan si Alex ngunit sa huli ay tumawa ito at sinabing pag-usapan na lang ang kuko niya.

Maging sa Twitter ay may mensahe rin si KC hinggil sa nangyayari sa kaibigan.

I feel pretty bad for Alex Gonzaga right now. The video going around right now was a clearly joke. If you could watch the video in its entirety you could see that,” tweet ng isa sa mga hosts ng “Lunch Out Loud”.

Sey naman ni KC sa hiwalay na tweet, “At the end of the day, everyone on the show are friends. They were joking all day long. Like a brother and sister would.

“But someone uploaded only half of the video and social media went crazy. Obviously that’s not what really happened.”

Sa kabila ng kanyang paglilinaw ukol sa isyu nina Alex at Matteo, marami naman sa mga netizens ang nag-ungkat ng isa pang isyu na kinasasangkutan ng kanilang show.

“Sa joke about Super Junior wala kayong say. Issue about joke kay Matteo pinagtatakpan nyo. Wag nyong inormalize na gawing joke ang hindi dapat. Gamitin nyo yung platform na meron kayo para sa maayos na culture. Kung hindi nyo kaya, ibigay nyo sa may kaya. @tropang_LOL @TV5manila,” pag-call out muli ng isang netizen.

Ikinumpara pa nga ang show nina KC sa Kapamilya program na “It’s Showtime” dahil bagamat hindi ito perpekto ay marunong itong mag-acknowledge ng kamalian.

Samantala, sa kabila ng pag-trending ng “#CancelTropangLOL” sa mga nagdaang araw, nananatili namang wala pang pahayag ang programa ukol sa panawagan ng Super Junior fandom na mag-public apology ang mga hosts sa insenstive jokes na binitawan ng mga ito.

Related Chika:
True kaya, ‘Lunch Out Loud’ ng TV5 matsutsugi na?

KC Montero isa nang ganap na dad

‘Showtime’, ‘Lunch Out Loud’ sanib-pwersa sa pagpapasaya ng madlang pipol

Read more...