Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby na: His plan is always the best

Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby na: His plan is always the best
KINUMPIRMA ng mag-asawang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano na nagdadalang tao na ang aktres at malapit na silang maging mga magulang.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload ng aktres sa kanyang YouTube channel nitong Huwebes, August 11, ibinahagi niya ang masayang balita.

Sa video ay ibinahagi ni Jessy ang larawan ng sonogram, isang patunay na magiging mommy na siya at ipinagbubuntis na niya ang panganay na anak nila ni Luis.

Pati ang mga larawan ng kaniyang baby bump ay ibinandera rin niya.

Nag-post rin si Jessy ng larawan sa kanyang Instagram account.

“What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner,” saad ng aktres.

Aniya, kahit na ano pa man ang kanilang maging plano ay may mas maganda pa ring plano ang Diyos para sa kanila.

“No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best,” pagpapatuloy ni Jessy.

Sey niya, nagdesisyon raw silang ibahagi ang magandang balita sa pamamagitan ng video sa isang magandang chapel sa Benguet.

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible,” chika ni Jessy.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa kanilang mga tagasuporta na noon pa man ay kasa-kasama na nila.

“Join us as we enter this new journey in our lives as parents,” dagdag pa ni Jessy.

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa para sa panibagong milestone sa kanilang buhay.

Sey ni Carla Abellana, “Congratulations, Jessy and Luis!”

“Congratulations Ate and Kuya!!!” saad ni Sue Ramirez.

Comment ni Max Collins, “So happy for you Jessy.”

Related Chika:
Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

Jessy Mendiola may huling ‘pasabog’ pictorial: Before I get preggy!

Jessy Mendiola aminadong na-insecure kay Luis: Siya ang naging mundo ko

Read more...