Jessy Mendiola may huling 'pasabog' pictorial: Before I get preggy! Bandera

Jessy Mendiola may huling ‘pasabog’ pictorial: Before I get preggy!

Therese Arceo |February 11,2022
share this

Jessy Mendiola may huling ‘pasabog’ pictorial: Before I get preggy!

Therese Arceo February 11, 2022 - 01:58 PM

Jessy Mendiola may huling 'pasabog' pictorial: Before I get preggy!

IBINANDERA ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang sexy curves sa latest “pasabog” pictorial niya na ibinahagi niya sa social media nitong Huwebes, February 10.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan kung saan nakasuot siya ng sexy black one-piece swimsuit na may matching black gloves.

“This is it! My last pasabog pictorial before I turn 30 and before I get preggy!” Saad ni Jessy sa kanyang social media post.

Nagpasalamat rin siya sa team na nakasama niya sa pictorial.

“Thank you so much to the whole team for helping me pull this off! Laban lang,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin niya ang behind-the-scenes video sa naganap niyang sexy pictorial sa kanyang Instagram at YouTube vlog.

“I’m super excited to share to you guys the behind-the-scenes vlog for my latest photoshoot. I was really nervous during the pictorial but through the help of my team, I was able to pull it off,” sey ni Jessy.

Matatandaang naibahagi na noon ng aktres kasama ng kanyang asawa na si Luis Manzano ang kanilang pagnanais na magkaroon na ng baby.

Kahit nga ang TV host-actor ay looking forward na rin sa pagbubuntis ni Jessy at humiling pa sa kanyang ina na si Vilma Santos ng mga gamit pang-baby bilang regalo sa kanila.

Kamakailan rin nang ulanin ng batikos ang aktres dahil sa kanyang ginagawang exercise na dapat raw ay hindi niya gawin dahil hindi ito makakatulong sa kanilang planong pagbubuntis.

Agad naman siyang dinepensahan ng kanyang mga tagasuporta at kinontra ang paratang sa aktres at sinabing malaking tulong ang ehersisyo sa mga nagnanais magbuntis.

At ngayon nga ay mukhanh buo na ang loob ni Jessy na mag-focus sa panibagong yugto ng kanilang buhay at yun nga ang pagbubuo ng pamilya.

Related Chika:
Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya
Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending