John Prats sa ‘paghihiwalay’ nila noon ni Heart Evangelista: I felt na bumagsak talaga yung career ko

Heart Evangelista, John Prats at Isabel Oli kasama ang mga anak

BUMAGSAK ang showbiz career ng actor-director at dancer na si John Prats noong magkahiwalay at mabuwag ang loveteam nila ni Heart Evangelista.

Isa lamang ito sa naging rebelasyon ng asawa ng dating Kapuso actress na si Isabel Oli nang magbahagi ng ilang detalye tungkol sa mga pinagdaanan niyang pagsubok at failures sa buhay.

Sa vlog ng TV host na si Bianca Gonzalez na may titulong “#TrustTheProcess: John Prats,” na in-upload nitong nagdaang August 8, unang inamin ng aktor na muntik na siyang lumipat sa GMA 7 dahil sa hirap ng buhay.

Sa 30 years niya sa entertainment industry ngayon lang nagbukas ng kanyang saloobin si John sa matitinding pagsubok na pinagdaanan niya bilang aktor at padre de pamilya.

Aniya, nakatakda na siyang lumipat sa GMA para magkaroon ng regular na trabaho dahil sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo’t buntis daw noon si Isabel.

“Nu’ng nagkaroon na ako ng family, buntis na si Liv (palayaw ni Isabel) noon, na-realize namin na parang hindi enough yung twice a week taping para ma-sustain, or mabigay yung needs ng family mo.

“And then, I was about to transfer. Tapos, the next day, Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN chief executive) found out, pinigilan niya ako nung nalaman niya..Siyempre ako, nung nalaman kong pinigilan ako, sabi ko, ‘Sige, I’ll stay.’

“Siyempre gusto mo yun, kasi parang tahanan mo ‘yan (ABS-CBN) for how many years,” paglalahad ni Pratty na ang kasunod na nga ay ang paglabas niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Pagpapatuloy pa niya, “1992 when I joined Ang TV, siyempre bata ka pa, hindi mo naman alam. Every Saturday, we tape Ang TV, para ka lang naglalaro. Sa akin, hindi ko sineseryoso yung trabaho ko nun, nilalaro ko lang, until nag-teen ako.”


Taong 199 nang mapasama siya sa cast ng Kapamilya teen-oriented show na “G-mik” kung saan nakatambal niya si Heart Evangelista.

“Dumating yung John and Heart era. After that era, ‘yon yung time na I felt na bumagsak yung career ko. Nu’ng naghiwalay kami ni Heart, ang show ko na lang nu’ng time na yun… kasi, di ba, before may ASAP then ASAP Fanatic.

“Sobrang liit ng talent fee ko, once a week lang ako nakikita at nagtatrabaho,” pagbabahagi pa ni John.
Dito na niya ni-repackage ang sarili at kinarir ang pagsasayaw hanggang sa maging celebrity housemate na nga siya sa “Pinoy Big Brother”.

“After that nagsunud-sunod ulit yung projects ko and ‘yon yung feeling ko na naging blessed ako kasi parang hindi ako nawala,” ani Pratty.

Mensahe pa niya, “Sobra yung journey na natutunan ko sa buhay, na you just have to trust God and just do your best. Hindi mo alam minsan kung saan ka nili-lead, akala mo dito, pero hindi diyan dito ka.

“Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, sobrang blessed ako kasi ang dami kong natutunan,” pahayag pa ni John Prats na isa na ngayong aktor at direktor.
https://bandera.inquirer.net/297327/john-prats-direktor-na-sa-ang-probinsyano-di-na-tutuloy-sa-its-showtime

https://bandera.inquirer.net/289744/john-prats-certified-superhero-dad-hindi-pa-papatayin-sa-probinsyano
https://bandera.inquirer.net/297550/kuya-kim-nag-comment-sa-post-ni-camille-may-patutsada-kaya-sa-its-showtime

Read more...