Chie Filomeno ayaw nang magkadyowa ng taga-showbiz: Pero hindi mo naman talaga matuturuan ang puso mo, e!

Chie Filomeno

“ANG gusto ko sa kanya palaban siyang babae at gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya.”

Yan ang paglalarawan ng sexy actress at dating “Pinoy Big Brother Season 2” celebrity housemate na si Chie Filomeno tungkol sa karakter niya sa iWantTFC series na “Beach Bros.”

“Very different ito kasi ito yung isa sa pinakaunang biggest role na binigay sa akin. Sobrang ibang iba naman siya sa Love in 40 Days.

“Si Nicole lumaki siya sa bahay ampunan and very interesting yung life niya. May mga tao talagang hindi nabibigyan ng choice. Hindi tayo nabibigyan ng choice. Yun yung masakit na part sa kanya.

“Ang gusto ko sa kanya palaban siyang babae at gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya. Yun yung pinaka gusto ko kay Nicole.


“Yung wala kang choice nu’ng una pero gagawin mo pa rin yung kaya mong gawin para mabigyan ng marangyang buhay ang kapatid mo at ang family mo, mga kaibigan mo,” dire-diretsong pahayag ng dalaga.

Maraming nag-aakala na mataray, isnabera at bully si Chie pero wala raw itong katotohanan, “I think yung aura ko talaga ever since bata ako yun na talaga.

“Kahit sa school ang akala nila maldita ako, nambu-bully ako dahil tahimik ako. So na-apply ko yung dapat mo talagang kilalanin yung tao.

“So nakakatuwa kasi meron silang ganitong way of thinking sa akin, ganito nila ako nakikita, pero ganito pala siya. So okay rin sa akin yun kasi na-prove ko sa kanila na mali yung iniisip niyo,” chika ng dalaga.

Nagpapasalamat din siya sa “PBB” dahil sa daming life lessons na natutunan niya bilang housemate ni Big Brother, “Nabago talaga ng PBB yung buhay ko. Nabigyan ako ng opportunity na thankful ako and yung feeling na overwhelmed.

“Yun talaga yung feeling na nararamdaman ko kasi binigyan ako ng ganung kalaking trust. Especially now with Beach Bros. Lahat ng project ko with Dreamscape Entertainment.

“I’m really grateful for them and thank you for the trust yun yung nag-uumapaw and I’m grateful,” aniya pa.

Single ngayon si Chie sa edad na 25 at sana raw kapag nagkadyowa siya uli ay hindi na taga-showbiz, “Sinabi ko na yan dati, non-showbiz ang gusto ko. And first na naging boyfriend ko showbiz tapos sabi ko ayoko na ng showbiz.

“Wala eh, hindi mo talaga matuturuan yung heart mo. As much as possible gusto non-showbiz para meron pa akong ibang matutunan. Kung kanino ako mapo-fall in love, feeling ko marami akong matututunan din,” sabi pa ni Chie Filomeno.

Kasama rin ng aktres sa “Beach Bros” ng iWantTFC sina Kyle Echarri, Kira Balinger, Angelica Lao, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr, sa direksyon ni Victor Villanueva.

Kyle Echarri tumangging mag-trunks sa ‘Beach Bros’, hindi pa confident magpakita ng katawan

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa ‘PBB’

Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

Read more...