KAHIT alam na alam na nila ang takbo ng isip at ugali ng isa’t isa, marami pa ring discoveries ang mag-inang Candy Pangilinan at Quentin sa bawat araw na magkasama sila.
Aminado ang veteran comedienne na may mga pagkakataon na hindi pa rin sila magkaintindihan kahit kabisado na nila ang mood swings ng bawat isa.
Kamakailan, ibinahagi ni Candy ang naging usapan nila ng anak na may mental health condition tungkol sa school.
Sa isang Instagram video na kanyang ipinost, maririnig si Candy na tinatanong si Quentin kung bakit may mga klase itong ayaw pasukan.
“Eh, yung namimili na lang siya kung anong class ang gusto niya pasukan,” sey ng komedyana.
Kapag ganito na raw ang eksena nilang mag-ina mananahimik na lang siya, “Di ko na siya pipilitin at mag-aaway na naman kami.”
Kuwento pa ng komedyana, may pagkakataon ding kailangan niyang manindigan bilang nanay para maintindihan ni Quentin kung bakit niya kailangang gawin ang isang bagay at kung ano ang magiging consequence nito kapag hindi niya ginawa.
“Kakausapin ko na lang after in some other way. Or I take away some of the things that he likes for not doing things he needs,” ani Candy.
“But before I do such, I have to find out why he doesn’t want to go to class. Does he understand the meaning of summer? Meaning break from academic classes?” paliwanag ng komedyana.
Kaya naman naniniwala siya na kahit ilang taon na silang magkasama ni Quentin, “We still have a lot to learn.”
https://bandera.inquirer.net/310741/candy-umaming-hindi-na-alam-ang-gagawin-kapag-sinusumpong-ang-anak-na-may-adhd-you-can-cry-but
https://bandera.inquirer.net/317223/candy-super-proud-sa-pagtatapos-ni-quentin-sa-junior-high-pati-mga-sekyu-sa-school-pinasalamatan
https://bandera.inquirer.net/287134/candy-idol-mom-ng-mga-nanay-na-may-special-child-nakakabilib-ang-tapang-niya