“OO, palagi kitang hinahanap, any son will always look for their father,” ang pahayag ni Diego Loyzaga patungkol sa kanyang tatay na si Cesar Montano.
Habang lumalaki at nagkakaisip daw siya ay naghahanap talaga siya ng father figure dahil nga sa loob ng mahabang panahon ay ang kanyang inang si Teresa Loyzaga lamang ang kasa-kasama niya.
“Oo naman hinahanap kita. Maniwala ka man o hindi, laging maganda ‘yung sinasabi ni Mama. ‘Yang daddy mo, nagtatrabaho ‘yan. He’s working hard, he’s working for you, for the family,'” lahad ni Diego sa video na ipinost ng Viva Films kung saan sumabak silang mag-ama sa Q&A session.
Sa pagkakaalam namin, tumira at lumaki si Diego sa Australia kasama ang nanay niyang Teresa na isang single mother kaya naman hindi talaga sa nabigyan ni Cesar ng chance na magkasama nang madalas.
Para naman kay Cesar, talagang isa sa mga wish niya noon ay ang maka-bonding ang anak habang lumalaki ito.
“Siguro kung meron akong mga na-miss eh ‘yung nakasama kita noong lumalaki ka. Gusto ko ‘yung habang lumalaki ka sana kasama kita, eh kaso nasa Australia ka.
“But it is not a regret. It is something that I missed doing with you, bonding and everything while you were growing up,” sey ng veteran actor.
Samantala, inamin din ni Diego na totoong nu’ng unang sabak niya sa showbiz ay talagang nabubuhay siya sa anino ng ama.
“Hindi natin pwedeng sabihin na hindi ‘yan totoo. Kasi kapag pasok ko pa lang dito eh, ‘Ay anak ni Cesar.’
“No matter what, since I was a kid, until now, people will always recognize me. Even though if they know my name, ‘Ah, anak ‘yan ni Cesar.’ I will always be anak ni Cesar,” sabi ni Diego.
“And I’m proud. Is it hard? No, it’s not hard. Kumbaga, you gave me shoes to fill eh. You gave me an objective that I need to do, ‘di ba? And I’m proud to be your son,” diin pa ng binata.
“When I say that, I mean the way you took care of your children, the awards and the places you’ve been to because of your acting. If I reach kahit kalahati lang nun, it will make me a proud man the day I die,” chika ng hunk actor.
Ano naman ang “greatest lesson” na natutunan niya kay Cesar, “It’s that there isn’t a single thing that makes a man. It’s a compilation of so many things, so many phases, so many things that you go through.
“I’ve seen you campaigning in Bohol and the stress that you’ve been going through, day in, day out. I see now a glimpse of what really makes a man, and that’s all through you, watching you. Sabi ko, kailangan ko maging ganyan. Kailangan ko maging kasing tibay ng tatay ko,” aniya pa.
Magkasama sina Diego at Cesar sa super controversial movie na “Maid In Malacañang” na idinirek ni Darryl Yap at isa nang maituturing na blockbuster at phenomenal movie sa gitna ng pandemya dahil sa pagtabo nito sa takilya.
https://bandera.inquirer.net/283535/mga-anak-ni-sunshine-nagmana-kay-cesar-napakahusay-din-naman-kasing-artista-ng-ama-nila
https://bandera.inquirer.net/319602/cesar-laging-take-1-sa-mga-pasabog-na-eksena-sa-maid-in-malacaang-diego-hindi-nagpalamon-sa-ama
https://bandera.inquirer.net/320557/cesar-montano-senior-citizen-na-super-happy-nang-makumpleto-ang-anak-sa-60th-birthday-party