HINDI ikinahihiya ni Tuesday Vargas na nagtitinda siya ng kung anu-ano online.
Yes, ratsada si Tuesday sa kanyang live selling sa kanyang social media account.
Sa isang post sa kanyang Facebook account, ipinaliwanag ni Tuesday kung bakit siya nagla-live selling.
“May mga nag PM sa akin at tinatanong bakit daw ako nag la live selling pa eh artista na daw ako. Simple lang naman po.
“Sa loob ng dalawang oras ng live selling meron na akong pang bayad ng internet at pang grocery.
“Napaka dami ko pong gamit at damit na hindi na po napapakinabangan, maaari pa itong magkaroon ng pangalawang buhay sa miners natin.
“Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito kinakahiya.
“Lahat ng oras na libre ay ginagawa kong kapaki pakinabang dahil nanay ako at gusto kong punuan ang pangangailangan ng pamilya ko. So yun na nga po.” That was her explanation.
“Huwag pong magtaka or husgahan ang aking ginagawa. Sa lahat naman po ng mga tumatangkilik, salamat po talaga sa inyo.
“Malaking tulong ito sa pamilya namin. Mabuhay ang lahat ng small business owners! Saludo po ako sa inyo. Happy weekend guys!” dagdag pa niya.
Of course, marami ang humanga kay Tuesday.
“Mas maganda ngang madaming sources of income eh. Hangga’t kaya nating kumayod, kayod lang. More power to you, Marse! Agree mars! Walang dapat ikahiya basta marangal at legal, plus may kasamang live entertainment ang mga live selling mo.”
“Proud of you, continue what you are doing for the good of your family. God bless you.”
“Salute sa yo madam Tuesday Vargas !!! Just love what u’re doin right now…mahalaga masaya ka at nkkapagpasaya ka sa iba.”
“Go lang ms tuesday! I salute your attitude in life po. God bless.”
* * *
Tuwang-tuwa ang “It’s Showtime” host at Makati councilor na si Jhong Hilario na pinagkatiwalaan ng kanyang mga kasamahan sa konseho ng Makati para maging representative sa Metro Manila Cuncilors League.
Ipinost ni Jhong sa kanyang Instagram account ang resolution photo para siya maging representative ng Makati sa nasabing organization.
“Muling napagkatiwalaan bilang representante ng Makati City sa Metro Manila Councilors League.
Maraming salamat sa nag sponsor sa resolusyon na ito, ang aming kasamahan sa Sangguniang Panlungsod Hon. Councilor Bodik Baniqued. Maraming salamat din po Mayor Abby Binay sa tiwala gayundin po sa aming Vice Mayor Monique Lagdameo at sa buong Konseho.” That was his caption.
Sa isa namang Instagram post ay ipinakita ni Jhong ang ilang photos kung saan binisita siya ng kanyang anak na si Sarina Oceania kasama ang partner niyang si Maia Azores. Kuha ang mga photos sa mismong opisina ni Jhong sa Makati City Hall.
Jhong was a picture of a happy dad sa lahat ng kuha nila ng kanyang anak at partner. Marami ang humanga sa kanya dahil napagsasabay niya ang pagho-host ng “It’s Showtime” at pagiging councilor ng Makati.
https://bandera.inquirer.net/314128/tuesday-vargas-umaming-nai-intimidate-pa-rin-kay-bitoy-pero-marami-kaming-similarities-kasi
https://bandera.inquirer.net/302686/tuesday-vargas-2-beses-nang-tinamaan-ng-virus-stop-covid-shaming-wag-na-po-tayong-magsisihan
https://bandera.inquirer.net/320341/anak-ng-kobrador-ng-jueteng-magna-cum-laude-nang-magtapos-sa-college-hindi-ko-ikinahihiya-ang-nanay-ko