Juday: Bakit di n’yo kasuhan ngayon ang mga politikong kumuha sa pera namin!
Nagustuhan ko ang naging statement ni Judy Ann Santos tungkol sa kontrobersiyal na P10 million pork barrel scam. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Juday sa mga kinasuhan noon ng BIR dahil sa problema niya sa pagbabayad ng tax.
Kaya naman kung may karapatang magreklamo ngayon, isa si Juday doon dahil sa laki ng tax na binabayaran niya sa gobyerno.
Sabi ni Juday, “Ako ilang taon ko binuno yung kaso ko, eight years. Eight years akong may kaso with the BIR. Sa akin lang, the BIR was just doing their job, collecting taxes and they’ll give it to the government.
“Yung government ngayon ang magbibigay ng pera sa mga pork barrel. Parang point lang is, kung kami pinu-push n’yo at pinu-push, kinakasuhan kami pag may konting digits na hindi nabayaran, bakit hindi niyo kasuhan yung mga pulitiko na malaking malaking digits ang kinuha sa pera namin? Di ba?” sey ni Juday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.