Jane de Leon puring-puri ni Chito Roño bilang Darna, walang kaarte-arte, hindi mareklamo | Bandera

Jane de Leon puring-puri ni Chito Roño bilang Darna, walang kaarte-arte, hindi mareklamo

Ervin Santiago |August 10,2022
facebook
share this

Jane de Leon puring-puri ni Chito Roño bilang Darna, walang kaarte-arte, hindi mareklamo

Ervin Santiago - August 10, 2022 - 07:45 AM

Jane de Leon at Chito Roño

PURING-PURI ng award-winning veteran filmmaker na si Chito Roño ang Kapamilya actress na si Jane de Leon na malapit na ngang lumipad bilang bagong Darna.

Wala raw kasing kaarte-arte ang dalaga habang ginagawa nila ang bagong TV version ng sikat na sikat na kuwento ng nag-iisang iconic Pinay superhero na mapapanood na nga sa darating na Lunes.

Sa ginanap na grand media launch ng “Mars Ravelo’s Darna” nitong nagdaang Lunes, August 8, natanong si Direk Chito kung ano ang masasabi niya kay Jane bilang bagong Darna ngayong 2022.

“Ang problema kay Jane, she had to balance between being Narda and being Darna. Yung Narda, dalawa pang characters, yung bata tsaka yung age ng malaki-laki na siya.

“So, ang dami niyang roles na ginagampanan. It’s really a challenge for her as an actress. And I think she did very well,” papuri ng beteranong direktor sa dalaga.

Sey pa ni Direk Chito, wala ring reklamo si Jane sa lahat ng  requirements para sa role, “Mas bata, kailangan maikli buhok mo. Siya, no problem magpaputol ng buhok. Kasi we encountered actresses na hindi maputulan.

“So I’m very pleased, not only is she focused but she’s that very well as an actress for Darna,” aniya pa.

Samantala, hindi raw nawalan ng pag-asa o na-discourage ang aktres noong panahong parang wala nang pag-asang matuloy pa ang remake ng “Darna.”

Matatandaan na noong July 17, 2019 nang ibinandera ng ABS-CBN na si Jane na nga ang napiling next Darna para sa bagong movie version nito sa direksyon ni Jerrold Tarrog.

At nang magkaproblema na nga sa prangkisa ang ABS-CBN noong 2020, dito na siya sinabihan na hindi na matutuloy ang “Darna The Movie.”

“Actually, nu’ng kasagsagan ng ABS-CBN na pinag-uusapan yung sa franchise, nag-Zoom kami lahat ng mga bosses.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“And yun nga po, sinabi nila sa akin na di daw po matutuloy yung movie because of these reasons.

“Pero nu’ng time na yun, sinabi ko na okay lang po. Nagtaka sila lahat, ‘Ha? Bakit parang okay lang?’ Parang di daw po ako umiyak.

“Sabi ko po, ‘Alam ko po kasi na may better plans for me si Lord. Alam ko lahat may reason kung bakit,'” pahayag ng dalaga.

At bago matapos ang 2020 ay in-announce uli ng ABS-CBN na magiging serye na ang “Darna” with Jane still the lead actress.

“Maraming-maraming salamat sa lahat. Sobrang nakaka-overwhelm. Ito na yung pagkakataon para ipakita sa buong mundo yung pinaghirapan ng production.

“Siyempre matagal na ito hinintay ng sambayanang Pilipino at maraming-marami kayong aabangan pagdating sa effects, sa costumes, sa villains, at siyempre sa bagong story ng Darna,” ang mensahe pa ni Jane.

https://bandera.inquirer.net/298625/chito-roo-super-bilib-kay-janella-mabibigyan-niya-ng-hustisya-si-valentina

https://bandera.inquirer.net/280322/the-gold-squad-puring-puri-ni-sylvia-marespetong-mga-bata-hindi-lumalaki-ang-ulo-nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/300459/sharon-puring-puri-si-julia-montes-siya-ang-nakita-kong-pinakapareho-ko-sa-tunay-na-buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending