Christine Bermas ayaw talagang makipag-love scene sa kapwa babae: Parang nakikita ko yung nanay ko na pinagagalitan ako

Chloe Jenna, Christine Bermas at Milana Ikemoto

PAGKATAPOS niyang ipakita ang lahat-lahat – as in lahat-lahat – sa sex-suspense-drama na “Scorpio Nights 3”, may bago na namang pelikula ang Vivamax bombshell na si Christine Bermas.

In fairness, umani ng papuri ang sexy actress sa naging performance niya bilang unfaithful wife ni Mark Anthony Fernandez sa “Scorpio Nights 3”.

Kasabay ng paghuhubo’t hubad ng dalaga sa nasabing pelikula, naipakita rin naman niya na hindi lang paghuhubad at pakikipagchurvahan sa harap ng camera ang alam niyang gawin.

Kaya naman after ng success ng “Scorpio Nights 3” sa streaming app ng Viva Entertainment ay binigyan agad siya ng follow-up movie, “Lampas Langit”, kasama sina Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo, sa direksyon ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.

Sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula, natanong si Christine kung ano pa ang ipakikita niya sa pelikula pagkatapos niyang tumodo sa “Scorpio Nights 3”?

“Yes, they say itinodo ko na raw sa ‘Scorpio’, so ano pa ang bagong puede kong ipakita in ‘Lampas Langit’? To be honest nahirapan talaga akong bitawan ang character ko sa ‘Scorpio’ as Pinay.


“Buti nga at iba naman itong ‘Lampas Langit’, less ang love scenes, more on acting siya at hindi basta sex lang. Iba naman kasi ang genre ng ‘Lampas Langit,’” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, “It’s a romantic thriller. Kakabahan ka rito habang nanonood dahil sa mga plot twist. My character is not as wild as ‘Scorpio’ but it’s more challenging for me kasi manipulator ako rito. I play Belle, na akala nila sa simula, anak ako ni Ricky Davao.

“Then I have an affair with our neighbor, si Baron Geisler, who’s married to Chloe Jenna. Manipulative ako rito and I want to control the people around me. It’s new for me and not like any of the past characters I’ve done before,” aniya pa.

Dugtong pa ng dalaga, “Ang pinakaiba rito, may girl to girl sex scene ako with my co-star, si Chloe Jenna. I haven’t done such a scene before. May offers dati pero hindi ko tinatanggap kasi parang mas mahirap gawin yun.”

“I told Direk (Jeffrey) hindi ako talaga gumagawa noon. Kasi parang nakikita yung nanay ko na kagagalitan ako.

“Sabi ko, baka hindi ko kayang gawin. But he said it’s another challenge for me and kailangan talaga sa story. And since first time din ni Chloe, I said, sige i-try natin,” sey pa ni Christine.

Inamin naman niya na medyo awkward nu’ng unang kunan ang nasabing eksena, “Pareho kasi kami, first time namin to do a girl to girl scene. At hindi kami prepared, so tawa kami nang tawa sa shoot.

“We just took it as a new experience for both of us and I think naging successful naman yung eksena,” sabi pa ng sexy star.

Iikot ang kuwento ng “Lampas Langot” kay Jake (Baron Geisler), isang struggling writer na problemado rin sa asawang si Mylene (Chloe Jenna).

Sa condominium na tinitirhan nila, makikilala ni Jake ang sikat na manunulat at ang literary idol niyang si Arman (Ricky Davao), kasama nito ang palagay nilang anak niyang dalaga na si Belle (Christine Bermas). Mapapalapit ang loob ni Jake kay Belle at magkakaroon sila ng sikretong relasyon.

Malalaman ni Arman at Mylene ang tungkol sa relasyon ng dalawa, at dito na isa-isang magbubunyag ang iba’t ibang sikreto, pati na ang lihim sa totoong pagkatao nina Arman at Belle.

Magsisimula na ring magtaka at mapaisip si Jake sa mga paghihirap na nararanasan nila, pero ang inaakalang mapait at mapaglarong kapalaran ay isa palang planong matagal nang hinanda at pinag-isipan, na parang isang magandang nobela.

Produced by Viva Films, ma-hook sa mga plot twist at kumapit hanggang sa dulo sa kuwento ng “Lampas Langit” na mapapanood na sa Vivamax simula August 19.

https://bandera.inquirer.net/317317/christine-bermas-walang-naramdamang-awkwardness-kina-mark-anthony-fernandez-at-gold-aceron-sa-scorpio-nights-3-bet-makapareha-si-joshia-garcia

https://bandera.inquirer.net/319926/christine-bermas-nag-frontal-sa-scorpio-nights-3-naiyak-sa-presscon-mark-anthony-nagpakita-ng-pagkalalaki

https://bandera.inquirer.net/311553/vivamax-star-christine-bermas-certified-nbsb-bawal-pa-ring-magkadyowa-sa-edad-na-19

Read more...