Confirmed: Roxanne Barcelo iiwan na ang Pinas, magma-migrate sa Taiwan kasama ang asawa’t anak

Roxanne Barcelo, Jiggs at Baby Cinco

TULUYAN nang lilisanin ng actress-singer na si Roxanne Barcelo ang Pilipinas matapos magdesisyon na manirahan na sa ibang bansa kasama ang asawa at anak.

Kinumpirma ng celebrity mom na lilipad na siya patungong Taiwan para magsimula ng bagong buhay with her husband Jiggs and son Cinco.

Sa bagong vlog ng aktres na may titulong “Mother Badidap Migrates” nabanggit niyang, “Magma-migrate na kami…we’re going to Taiwan.”

Aniya pa habang nag-iimpake ng mga gamit nila ng asawa pati na ni Baby Cinco, “I’ve never lived anywhere for the past 23 years apart from Manila and the U.S.

“Excited na ako actually kasi masarap ang food at maganda ang kabuuan ng Taiwan. I’m excited for a new chapter, hindi pa nag-si-sink in,” pag-amin ni Roxanne.

Hindi pa nabanggit ng singer-actress kung ano ang dahilan ng pagma-migrate ng kanilang pamilya sa Taiwan pero mukhang balak niyang doon ituloy ang kanyang singing career at pagiging vlogger.

“Baka may pa-kanta ako doon, we’ll see. Sana matuloy at sana matupad. If not, food vlogger, char.

“Gagawin ko talaga yun kasi masarap ang food sa Taiwan and maganda ang fashion. Explore natin lahat,” sey pa ng aktres.

Mensahe pa niya sa kanyang pag-alis sa Pilipinas, “Siyempre, ma-mimiss ko mother ko and brother ko na nasa U.S. even my friends here…I tried na makipag-meet sa kanila as much as possible pero super gahol sa time.”


Samantala, sa isang bahagi ng vlog, sinabi naman ni Roxanne na baka raw every three months ay babalik siya sa bansa kaya huwag daw masyadong mag-alala ang kanyang mga supporters.

“We’re just an hour and a half hour flight away and, actually, every three months nandito kami. Hindi niyo ako masyado mami-miss,” sey ng aktres.

Dagdag pa niyang chika, “Sama kayo sa journey namin to Taiwan.”

Ikinasal si Roxanne sa kanyang non-showbiz husband noong December, 2020. Isinilang naman niya ang kanilang first baby noong May 22, 2021.

https://bandera.inquirer.net/302380/baby-cinco-nagsisilbing-charger-ni-roxanne-barcelo-super-proud-sa-non-showbiz-hubby

https://bandera.inquirer.net/285879/roxanne-barcelo-nanganak-na-sa-kanyang-first-baby-heres-to-the-rest-of-our-life
https://bandera.inquirer.net/302868/roxanne-hinding-hindi-malilimutan-ang-guesting-sa-morning-show-grabe-ambilis-magbago-ng-ihip-ng-buhay

Read more...