Hidilyn Diaz dedma muna sa honeymoon nila ni Julius Naranjo, uunahin ang training para sa 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz

DEDMA muna ang Filipina champ at Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa honeymoon nila ng asawang si Julius Naranjo.

Gusto munang ibuhos ng weightlifting champion ang kanyang panahon ngayon sa paghahanda at pagsasanay sa susunod niyang laban.

Kamakalawa, August 7, sa kanyang Instagram account, inalala ni Hidilyn ang 6th anniversary ng pagkapanalo niya ng silver medal sa  2016 Rio Olympics. Inilarawan niya ito bilang “one of the most memorable days of my life.”

Kalakip ng kanyang mga litrato na kuha habang siyang nagte-training ang mensaheng, “Dear Weightlifting, today marks 6 years since I had won the silver medal at the 2016 Rio #Olympics.

“I can still remember how magical that day was, how God surprised me with a Silver medal when I was just aiming for a Bronze, it was one of the proudest moments of my life,” dugtong pa ni Hidilyn.


Kasunod nito, kinumpirma na nga niya ang muling paglaban sa Olympics dalawang taon mula ngayon, “Today, we are also officially 2 years to go, before I step onto the platform at the #2024ParisOlympics.

“These hands are a reminder that despite all I have accomplished, Weightlifting has pushed me to continue to work my hardest para sa bayan natin,” pahaya pa ng Pinay athlete.

Sey pa Hidilyn, isasantabi muna nila ng kanyang husband at coach na si Julius ang plano nilang honeymoon upang mag-concentrate sa kanyang training.

“Itabi muna natin ang honeymoon, we only have 730 days left. Kahit mahirap, even though I do notneed to prove anything, gusto ko pa rin gawin ang lahat ng makakaya ko para sa Weightlifting at sa Pilipinas,” chika pa ni Hidilyn.

Mensahe pa niya sa sambayanang Filipino, “I am manifesting this dahil ito ang gusto ko at weightlifting ang nagpapasaya sakin. Samahan ninyo ako sa aking desisyon to go for my #LastLift. #TeamHD will be with me throughout the whole process pero kailangan ko ang suporta at dasal ninyong lahat.

“I am determined to do more for our country. I am claiming this, for the love of God and our country,” ang pagbabahagi pa ng nag-iisang Olympic gold medalist.

Hidilyn Diaz handang-handa nang mabuntis at maging mommy, pero kailangang hintayin muna ang 2024

Ellen Adarna, Derek Ramsay natuloy na papuntang Africa kasama si Elias

Hidilyn Diaz, Julius Naranjo engaged na!

Read more...