Nag-react na naman si Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account about some accusations against her husband Sen. Kiko Pangilinan – na allegedly ay may naibulsa rin itong pera mula sa pork barrel. Nagbanta pa ito na hihiwalayan niya ang asawa kapag napatunayang nagkasala ito sa bayan.
Tweet ni Sharon, “HUH? WHAT? WHEN? WHERE?!!!! Hahahaha! if it weren’t so hurtful it would be so funny!!!! Hala MAGKALABASAN NA TALAGA DAPAT PARA MAGKAALAMAN NA KUNG SINONG IILAN LANG SA SENADO NA MATITINO.”
Na sinundan pa ng, “If anyone reading this can prove to me that my husband has stolen any amount from his PDAF in his 12 years as senator, I will give you P10 million in cash and I will leave my husband. That is how confident I am. Sorry, HINDI KAMI MAGNANAKAW.”
Dagdag pa niya, “HINDI KAMI TULAD NG IBA NA KATA IPAKAIN SA MGA ANAK NAMIN ANG PERANG DI AMIN O DI NAMIN PINAGHIHIRAPAN. HINDI PARE-PAREHO ANG LAHAT NG POLITIKO. DAHAN-DAHAN LANG. DAPAT MAG-UMPISA NANG MAGLABASAN ANG TOTOO NGAYON.”