Baliw din talaga ako sa pag-ibig, pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! - Cloe Barreto | Bandera

Baliw din talaga ako sa pag-ibig, pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! – Cloe Barreto

Ervin Santiago |August 08,2022
facebook
share this

Baliw din talaga ako sa pag-ibig, pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! – Cloe Barreto

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 07:53 AM

Cloe Barreto at Sean de Guzman

SUPER naka-relate ang Vivamax bombshell na si Cloe Barreto sa nakakaloka at napakatapang na karakter niya sa pelikulang “The Influencer.”

Halos lahat ng ginampanang papel ni Cloe sa mga original Vivamax movies na “Silab,” “Tahan” at “The Influencer” ay talaga namang pasabog at challenging.

Sa private screening at presscon “The Influencer” sa direksyon ni Louie Ignacio, na ginanap sa Gateway Cinema 7, ay binansagan na siyang “Psychological Thriller Queen.”

Sey ng dalaga, wala naman daw problema sa kanya kung puro suspense-thriller at sexy-psychological ang ginagawa niyang pelikula dahil nag-eenjoy naman daw siya.

Natanong si Cloe kung may similarities ba sa personalidad niya ang mga karakter niya na nababaliw sa lalaki tulad nga ng ipinakita niya sa “The Influencer” kung saan nakatambal niya ang palaban din sa hubaran at sex scenes na si Sean de Guzman.

“Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! Ha-hahahaha!

“Yun po, medyo malapit din po du’n. Pero hindi naman po ako nagtatali (isang eksena nila ni Sean sa movie habang nagse-sex). Ako po yung itinatali, charing! Ha-hahaha!”

Napanood na namin ang bagong movie nina Sean at Cloe at talaga namang tumodo rin ang dalawa sa kanilang maiinit na eksena kabilang na ang kanilang pagpo-frontal at walang pakundangang kangkangan.

Ayon kay Sean, pinag-usapan muna nila ni Cloe kung paano ang magiging atake nila sa mga nasabing eksena.

“Siyempre po, bago namin gawin ang isang eksena, pinag-uusapan muna namin talaga. Yung mga restrictions, yung mga bawal na gawin ko sa kanya. Or kung paano namin ide-deliver yung mga eksenang yun,” sey ng sexy actor.

Dagdag ni Sean, may mga limitasyon pa rin naman sila sa paggawa ng sex scenes, “Yeah, like  kunyari, may sucking sa nipples, ganyan, di ba? Wala naman du’n sa napanood ninyo. Ayun yung mga restriction na sinabi niya sa akin.”

Tawa naman nang tawa ang dalawa habang nagkukuwento tungkol sa maiinit nilang eksena sa pelikula dahil nga magkapatid na ang turingan nila noon pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cloe Barreto (@cloebarreto)


Chika ni Sean, “Yung mga nakakakilala sa aming dalawa, alam na sobrang close na talaga kami ni Cloe.

“Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before the sex scene, nagtatawanan kami. Ha-hahaha!

“Same din after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin yun.

“Kasi, ang turing namin sa isa’t isa, magkapatid na talaga. And sobrang professional ng bawat isa kaya lahat, sumasang-ayon. Lahat, nakikipag-coordinate. Sa buong team, wala akong masasabi sa lahat,” aniya pa.

Agree naman si Cloe sa sinabi ni Sean, “Opo, puro tawanan lang kami! Ha-hahaha! Meron pa nga pong scene na hindi po namin alam, take na pala.

“Hindi namin naririnig, kasi, nasa loob kami. Sabi ni Direk, ‘Hoy! Take na!’ Tawa pa po kami nang tawa.

“Kasi, parang hindi ko alam, e… Kasi, nung nandun kami, parang… hindi namin… Ano ba?! Ha-hahahaha!”

Hirit uli ni Sean, “Kapag nasa eksena na kasi kami, hindi na namin iniisip yung ilang. Hindi na namin iniisip na matagal na kaming magkakilala.

“Parang nandu’n na talaga kami sa eksenang yun. So, kahit maglaplapan kami nang todo, wala na kaming pakialam,” aniya pa.

Mapapanood na ang “The Influencer” simula sa August 12 sa Vivamax, sa direksyon ni Louie Ignacio at sa panulat ni Quinn Carillo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa movie sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Karl Aquino at Calvin Reyes.

Cloe Barreto mapapalaban ng aktingan kina Jaclyn Jose at JC Santos

‘Tuwang-tuwa ako na nasampal ako ng isang Jaclyn Jose!’ – Cloe Barreto

Jaclyn Jose umamin: Karamihan sa mga baguhang nakakatrabaho ko, natatakot sa akin…sabi ko, hindi ko sila sisindakin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending