Lovi, Janine never pang nakipagrelasyon sa tomboy, pero suportado ang LGBTQ: Love is love, walang masama du’n…

Lovi Poe at Janine Gutierrez

WALA pang karanasan o naging experience ang mga Kapamilya stars na sina Lovi Poe at Janine Gutierrez pagdating sa lesbian relationship.

Never pa rin daw silang naligawan ng mga tomboy kahit na nga pareho silang supporter ng LGBTQIA+ community at exposed sa mga lesbian at gay personalities.

Sa nakaraang presscon ng bago nilang original iWantTFC series, ang GL o Girl’s Love series na “Sleep With Me”, natanong ko sa dalawang aktres kung may pagkakataon ba sa kanilang buhah na niligawan sila ng tomboy.

Parehong wala ang sagot nina Lovi at Janine pero anila, wala silang nakikitang masama o issue sa mga taong pumapasok sa same sex relationship.

“I don’t think there’s anything wrong with that. I mean if you like someone, you like someone you know. Love is love. You don’t have to categorize it,” katwiran ni Lovi.

Sey naman ni Janine, after nilang gawin ang “Sleep With Me” napatunayan nila na pare-pareho lang ang pakikipagrelasyon kahit pa sa pagitan ng mga LGBTQIA+ members dahit at the end of the day ang pinakamahalaga pa rin ay ang tunay na pagmamahal at respeto.

Tulad na lang daw ng love story ng mga ginampanan nilang character sa serye na sina Harry at Luna na may kanya-kanya ring disabilities — si Lovi ay may sleeping disorder habang naka-wheelchair naman si Janine sa kuwento ng “Sleep With Me.”


Dagdag pang pahayag ni Lovi, kung masaya at kuntento ka sa iyong relationship ngayon, “Good for you… at the end of the day kung ang taong iyon ang nag-angat sa iyo, nagpapasaya sa iyo.

“You know it’s not toxic relationship, you become a better person because of your partner, then that’s the person,” aniya pa.

Samantala, inaabangan na ng mga manonood ang kakaibang kwento ng dalawang babaeng nagmamahalan sa “Sleep with Me,” mula sa iWantTFC.

Ito’y matapos nga ang matagumpay na world premiere ng serye sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles noong Hulyo 19, kung saan nanalo ito ng Audience Award for Best Episodic at sold out din ang tickets para sa premiere na dinaluhan nina Lovi at ng direktor ng serye na si Samantha Lee.

Umiikot ang “Sleep with Me” kay Harry (Janine), isang naka-wheelchair na late-night radio DJ at eksperto sa love advice, at kay Luna (Lovi), isang babaeng may sleep disorder na hindi nakakatulog tuwing gabi.

Bukod sa nakakakilig na relasyon nina Harry at Luna, bibigyang-diin din ng serye ang mga social injustice na nararanasan ng mga taong may kapansanan at ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

“I think Janine and Lovi’s characters both have their own set of issues that they deal with, that makes them excluded from society at large. It’s about people’s stories that don’t get told a lot,” sabi ni direk Samantha, na kilala rin sa mga queer films niyang “Baka Bukas” at “Billie and Emma ”

“The story is really something that I don’t think has been shown in the Filipino setting. I’m so excited for people to learn more about this topic and alam kong madaming makaka-relate. And at the core, it’s a love story na talagang you’ll get attached to and it will make you feel things,” sey naman ni Janine.

Mapapanood nang libre ang anim na episodes ng “Sleep with Me” sa Agosto 15 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Ang 6-part series, na unang tambalan nina Lovi at Janine ay mapapanood sa iWantTFC simula sa Aug. 15.

https://bandera.inquirer.net/316985/girlslove-poster-ng-lgbtq-series-nina-janine-at-lovi-na-sleep-with-me-pinusuan-ng-netizens
https://bandera.inquirer.net/308290/dating-sexy-star-maligaya-na-sa-piling-ng-lesbian-lover-hindi-raw-naging-happy-sa-ex-hubby
https://bandera.inquirer.net/291785/janno-nagkadyowa-ng-tibo-ako-ang-first-experience-niya-tapos-nabalitaan-ko-lesbian-na-ulit-siya

Read more...