Dina Bonnevie nagluluksa sa pagpanaw ni Cherie Gil: Till we meet again

Dina Bonnevie nagluluksa sa pagpanaw ni Cherie Gil: Till we meet again
NAGHIHINAGPIS rin ang aktres na si Dina Bonnevie sa pagkawala ng isa sa mga malalapit niyang kaibigang si Cherie Gil.

Binalikan niya ang kanilang mga moments together sa pamamagitan ng isang Instagram post na ibinahagi niya nitong Sabado ng madaling araw, August 6.

Matatandaang nagsimula ang pagkakaibigang Dina at Cherie nang bumida sila sa pelikulang “Sana’y Wala Nang Wakas” na ipinalabas noong 1986 kasama si Megastar Sharon Cuneta.

“It is with a very sad heart that I need to say goodbye to a very dear friend this morning. Cherie as you know in French, means “dear.” That is what you are to me. I will never forget all the times we slept together ( you , Shawie and I ) at my house when we were filming ‘Sana’y Wala Nang Wakas’,” simula ni Dina.

Higit pa sa isang kaibigan ang turing niya sa namayapang aktres dahil itinurimg niya ito bilang sariling kapatid.

Pagbabahagi ni Dina, “You were my sister, my first mentor in singing, you helped me believe in myself, my dreams, my goals.

“You were my critic and my fan, never afraid to tell me the truth if you felt I could do better and never stingy for words of praise if I did well.”

Inalala nga ni Dina ang mga pagkakataon kung saan magkasama sila ni Cherie na hinarap at nilagpasan ang mga pangyayari sa kanilang buhay.

“I remember taking care of Jamie when we were both living in the same condo building and you taking care of me when I was recovering from my broken marriage,” aniya.

Tinuruan din daw ni Cherie si Dina na maging matatav at matapang sa bawat pagsubok ng buhay.

“We were teachers to one another, always observing life as it unfolds and learning from our experiences along the way on how to be better at everything … even at laughing at ourselves and our silly decisions at times.”

Aminado si Dina na isang malaking bahagi ng kanyang buhay ang namayapang kaibigan at alam niya na kahit na maaga nitong nilisan ang mundo ay naniniwala siyang ibinigay ni Cherie ang kanyang best sa lahat ng bagay.

“You did your part my dear sister and friend, though your life was not perfect because no one’s life is anyway; you gave your all in everything you did. You did your best despite the circumstances at hand. You were always true and present in mind, body and spirit. That was your legacy! Kudos to you my dearest!” pagpupugay ni Dina sa kaibigan.

Dagdag pa niya, “I will truly miss you!! I love you, Cherie! Rest now in God’s loving arms where there is everlasting peace. Till we meet again.”

Nagulat ang showbiz industry kahapon, Agosto 5, nang ibinalita ni Annabelle Rama sa kanyang social media account ang pagkamatay ng veteran actress na si Cherie Gil.

Ayon sa mga source ay brain cancer ang naging sanhi ng pagkamatay ng aktres at pumanaw ito sa edad na 59.

Related Chika:
Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Sharon Cuneta nagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie Gil: It is the end of an era now that you’ve left us

Dina Bonnevie muling nakipag-bonding sa mga apo kay Oyo Boy

Read more...