Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

ISANG nakagugulat na balita ang ibinahagi ng asawa ni Eddie Gutierrez na si Annabelle Rama ukol sa pagkamatay ng movie icon at award-winning actress na si Cherie Gil.

Ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang social media accounts.

“Cherie Gil just passed away at 5pm today please pray for her,” caption niya sa kanyang post kalakip ang black picture.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye ukol sa kanyang pagkamatay.

Matatandaan na noong February 2022 nang iwanan ni Cherie ang Pilipinas at lumipad papuntang Amerika para makasama ang kanyang pamilya at doon na manirahan.

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life. I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am.

“It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” pahayag ni Cherie sa anniversary issue ng Mega.

Nagdesisyon rin siyang ibenta ang lahat ng kanyang kagamitan sa Pilipinas bago ito tuluyang lumipad pa-New York.

“I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority. I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,” lahad ni Cherie.

Nagdesisyon rin ang veteran actress na magpakalbo bilang simbolo ng kanyang bagong simula sa paninirahan sa ibang bansa.

“What’s hair, di ba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth. When a woman is in distress, she cuts her hair,” katwiran ni Cherie.

Dagdag pa niya, “May mga nagsasabi kasi marami akong pera but in fact, they don’t know anything. I’m just a human being. We go through the same ropes of the downs, the highs and the lows. I am not going to be surprised if I die a pauper, but I have lived a life.”

Nakilala ang aktres sa kanyang iconic roles sa “Oro, Plata, Mata” at “Bituing Walang Ningning”.

Related Chika:
Cherie Gil biglang umalis sa ginagawang teleserye: I have no regrets

Cherie Gil nagpakalbo, iniwan ang Pinas para manirahan sa US: I sold everything and packed up

Read more...