‘Maid in Malacañang’ kumita ng P41 million, matalo kaya ang ‘Hello, Love, Goodbye’?

Maid in Malacañang kumita ng P41 million, matalo kaya ang 'Hello, Love, Goodbye'?
KUMITA na ng P41 million ang pelikulang “Maid in Malacañang” mula nang ipalabas ito sa sinehan noong Miyerkules, Agosto 3.

Mula sa initial na kinita nito noong unang araw ng showing na umabot ng P21 million ay ngayon nga’y nadagdagan itong muli ng P20 million base na rin sa Facebook page ng VinCentiments.

Maging ang Facebook page ng Viva Films ay ibinahagi ang bagong achievement ng “Maid in Malacañang” na hindi maitatangging isa sa mga kontrobersyal na pelikula ngayong taon.

“P41 Million Total Gross To Date In 2 Days! Maraming salamat po! Dahil sa inyong malakas na suporta ay muling sumigla ang Philippine Cinema!” caption ng Viva Films.

Nagpatutsada naman ang VinCentiments sa mga “pinklawans” kahapon, Huwebes, sa kanilang Facebook page.

“Kahit pa kunwari di maintindihan ng mga pinklawans ang pre-selling at block screening, pinalalabas na libre ang tickets at namimilit kunô, tanggap na namin yang bitter reasons nila para mas lalo silang malugmok sa inggit. hihihi,” saad nito.

Patuloy pa nito, “Pero yung AKALA KO BA 31 MILLION ang boto! BAKIT 21 MILLION LANG YAN? bahala na kayo.”

Sinabi pa nila na may pang-mahjong na raw sila sabay tanong ng “Sinong babakas?”

Matatandaang isa sa mga controversial scenes ng “Maid in Malacañang” ay ang pagma-mahjong diumano ni dating Presidente Cory Aquino kasama ang mga madre.

Agad namang umalma si Sister Mary Melanie Costillas, prioress ng Carmelite Monastery sa scene ng pelikula.

“The attempt to distort history is reprehensible. Depicting the nuns as playing mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games,” saad niya.

Ibinahagi rin ni Sen. Imee Marcos ang tagumpay ng pelikula sa unang araw ng showing nito at buong pusong nagpasalamat sa lahat ng nanood.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng pumila at nanood mula Luzon, Visayas at Mindanao. Muling nanumbalik ang sigla ng PELIKULANG PILIPINO dahil sa ating pagkakaisa. Ito na ang simula,” sey ni Sen. Imee.

Going back to “Maid in Malacañang”, may mga netizens ang naku-curious kung kaya ba nitong matalo ang highest grossing Filipino film of all time na “Hello Love Goodbye” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong 2019 na umani ng P830 million.

Related Chika:
Cast ng ‘Maid In Malacañang’ pumirma ng ‘NDA’ bago sumabak sa shooting; Darryl Yap nakiusap sa media, vloggers

Darryl Yap sa lahat ng kumakastigo sa ‘Maid In Malacañang’: Pumila kayo, mahaba ang pila, magkita-kita tayo sa dulo ng linya

Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Read more...