“SAAN aabot ang 5k pesos mo?!”
Yan ang caption na inilagay ng isang bride sa mga wedding photos nila ng kanyang groom na viral at trending na ngayon sa social media.
Actually, noon pang Oct, 25, 2021 ikinasal sina Geejen Berlin Monreal at Jiony Jan Macabuhay na naganap sa Antipolo pero ngayon lamang nila ito ibinandera sa madlang pipol.
Ayon sa married couple, naging praktikal lang sila sa paggastos sa kanilang wedding at naglaan lamang ng P5,000 budget sa lahat ng expenses.
Nilinaw naman ni Geejen na isang pharmacist, na mas pinili lang nilang maging praktikal ng asawang software engineer at hindi naman dahil sa wala silang budget.
Aniya, may mas mahalagang proyekto raw kasi silang pinaghahandaan para sa kanilang future bilang mag-asawa at sa magiging mga anak nila.
Sa isang report, nabatid na gumastos ang married couple para sa civil registry ng P390; P999 naman ang binayaran nila sa wedding ring; at P890 sa certificate for no marriage record.
Umabot lang sa P2,500 ang ginastos nila sa reception (para sa 11 katao) na idinaos sa pares business ng kapatid ng groom na matatagpuan sa Antipolo.
Ang wedding dress naman daw ng bride ay second-hand na binili sa Facebook Market Place online store na iniregalo naman daw ng kanyang nanay.
Sabi ni Geejen, wala namang masama kung magiging praktikal sa pagpapakasal dahil ang mahalaga pa rin ay ang kaligayahan at tunay na pagmamahal ng dalawang taong magsasama bilang partners in life.
Narito naman ang reaksyon ng ilang netizens sa “practical wedding” nina Geejen at Jiony Jan.
“Standoout mapa-bangketa ang background grabe! Effortless.”
“Ito ang legit na DIY teh. Ganda ouy.”
“Gee! Super duper congratulations. bet ko yung DIY haha ikaw na ikaw. Love youuu! Best wishes!”
“Simplicity is beauty… lavish is labis.”
“CONGRATULATIONS & BEST WISHES, MY INAANAKS!! LOVE YOU BOTH. ALL THE BEST ON YOUR NEW JOURNEY. I’M JUST A MESSAGE AWAY OK. MWAHUUUUUGS.”
“CONGRATULATIONS, SHE’S!!! I’m so happy for you!! God bless your union!!”
https://bandera.inquirer.net/296247/tom-kay-carla-papatalo-ba-ako-sa-ganda-ni-misis-eh-di-resbakan-natin
https://bandera.inquirer.net/280775/premyadong-senior-actor-may-budget-para-sa-indie-film-may-investor-kaya
https://bandera.inquirer.net/305230/bayaran-sa-talent-fee-ng-celebrity-tuwing-eleksiyon-aabot-sa-p100-m-may-mga-artistang-naniningil-ng-p1-m-per-akyat