Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang ‘Katips’: This is about the experience of ordinary Filipino

Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang 'Katips': This is about the experience of ordinary Filipino
NAKABATAY sa katotohanan at karanasan ng mga ordinaryong Pilipino noong nagdaang Martial Law ang musical movie na “Katips”, iyan ang sinisiguro ng award winning writer, director, at lawyer na si Vince Tañada.

Kasalukuyan nang ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikula at katapat nito ang “Maid in Malacañang” na idinirek naman ni Darryl Yap.

“Ang dapat abangan ng tao sa ‘Katips’ yung totoo,” saad ni Direk Vince.

Pagpapatuloy niya, “‘Yung ‘Maid in Malacañang’, story ng mga Marcoses tapos narinig na rin natin yung story ng mga Aquino. And hindi natin naririnig yung tao sa gitna ng awayan ng dalawang pamilya na ito.

Giit niya, ang kanyang pelikula ay hindi tungkol sa panig ng kahit sinong pamilya bagkus ito ay tungkol sa kung ano ang karanasan ng mamamayang Pilipino.

“This is not an anti-Marcos movie. This is not a pro-Aquino movie. This is about the experience of ordinary Filipinos na nabuhay sa panahon ng Martial Law. May positibo, may negatibo, dapat natin alamin at dapat nating mapanood,” sey ni Direk Vince.

Aware naman ang lahat na sinadya talaga ng award-winning director na tapatan ang pelikulang “Maid in Malacañang” na tumatalakay sa kwento ng mga Marcos ukol sa mga pangyayari sa loob ng palasyo tatlong araw bago pa man sila mapaalis ng taumbayan sa pwesto base sa kabilang “reliable source”.

“Nilabanan ko talaga yung Maid in Malacañang. China-challenge ako, china-challenge tayo ng Maid in Malacañang, kaya nag-react nang ganoon si Direk Joel (Lamangan). Sabi ni Direk Joel, gagawa siya ng mga pelikula. Eh ito nagawa na namin,” pagbabahagi noon ni Direk Vince sa press conference.

Taong 2021 pa nang nagawa ang “Katips” at talaga namang humakot ng awards sa nagdaang FAMAS.

Pitong awards ang naiuwi ng pelikula tulad ng Best Picture, Best Musical Score, Best Cinematography, Best Original Song (Sa Gitna ng Gulo) at Best Supporting Actor naman para kay Johnrey Rivas mula sa Philippine Stagers at Best Director and Best Actor naman para kay Direk Vince.

Nasabi rin niya noon na maraming nagtatanong at bumabatikos sa kanya kung naranasan ba niya ang Martial Law.

“Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law when I was born in 1974, eh di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated,” sagot ni Direk Vince.

Dagdag pa niya, “Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo’t alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n’ya.”

Related Chika:
Vince Tañada inilaban na mapanood sa mas maraming sinehan ang ‘Katips’

Martial Law movie na ‘Katips’ humakot ng trophy sa FAMAS 2022; Vince Tañada tinuhog ang best actor at best director awards

Vince Tañada tatapatan ng ‘Katips’ ang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap

Read more...