MABILIS na itinama ni Unkabogable Star na si Vice Ganda ang isang contestant ng kanilang segment na “Miss Q&A: Kween of Multibeks” sa noontime program na “It’s Showtime” na hinangaan ng mga netizens.
Sa umpisa ay naaliw pa ang mga hosts nang rumampa ang candidate number 3 na nagpakilala bilang si Dimples Solomon Ruiz.
Sa katunayan ay nilapitan pa siya ni Vice at pabirong pinalo at pinagalitan sa pagsasayang nito ng kuryente nila sa pagsisimula ng pagpapakilala nito sa madlang pipol.
Ngunit natigil ang palakpakan ng audience at nanahimik ang mga hosts matapos bitawan ng contestant ang mga salitang “mongoloid” at “ngongo” sa kanyang intro.
“Akala n’yo ngongo ako… mongoloid kaya ako,” saad niya na hindi ikinatawa ng madlang pipol.
“Hoy hindi ‘yan ang intro mo no’ng rehearsal ah,” pagtatama ni Vice sa contestant.
Doon itinuloy ni Dimples ang kanyang intro na sinabi niya sa kanilang rehearsal.
Matapos ang kanyang pagpapakilala ay lumakad na ang kandidata papunta sa kanyang puwesto kasama ang iba pang kasabay na Miss Q&A contestants.
Naging maagap naman si Vice sa mga sinabi ng kandidata at agad na humingi ng paumanhin sa mga nasabi nito sa kanilang programa.
“Now, we would like to inform everyone that the views, the opinions, the words of the candidates do not necessarily reflect the views, and the opinions of the hosts, the show, and the network,” agad na paglilinaw ng “It’s Showtime” main host.
Dagdag pa ni Vice, “In behalf of candidate number 3, ngayon pa lang ay humihingi na kami ng paumanhin sa mga maaaring na-offend o hindi nagustuhan ang mga sinabi niya sa simula lalo na sa paggamit ng mga salitang ‘ngongo’ at ‘mongoloid’. Hindi na natin ito ginagamit.
“Hoy, aminin mo, hindi ‘yon ang ginamit mo sa rehearsal. Bakit ‘yun ang sinabi mo? Baka mapagalitan kami, mag-explain ka,” sabi uli ni Vice sa contestant.
Humingi rin naman agad ng tawad si Dimples at inaming donagdag lamang niya ito para magbigay aliw sa madlang pipol at hindi niya intensyon ang makasakit.
“I’m sorry po. I didn’t mean it. Gusto ko lang po magbigay ng kasiyahan but hindi ko po sinadya ‘yun. I’m really sorry for that,” sey ng kandidata.
Nagbiro naman si Vice para gumaan naman ang atmosphere nila habang nagho-host.
“Padala ka ba ng kalaban? Bakit mo ginawa ‘yon? Ang ganda na nang simula namin, eh,” pabirong sabi ng komedyante.
“Kasi may mga salitang hindi na angkop o hindi na katanggap-tanggap. Yung mga sinasabi nga na hindi na politically correct yung terms. Saka may mga bagay na hindi puwedeng sabihin sa telebisyon,” muling paalala ni Vice.
“Dapat maging sensitive tayo,” sey naman ni Vhong.
Pinaalalahanan rin ni Jhong ang mga contestant na sundin kung ano man ang ginawa o sinabi nila sa rehearsal.
Samantala, nag-post naman si Dimples sa kanyang Facebook account ng kanyang apology sa madlang pipol at appreciation sa ginawa ni Vice.
“Thanks Meme Vice sa pag comfort po sa akin after ng pagkakamali ko..Talagang sinadya niyo pa po ako puntahan sa Dressing Room to Comfort me.. Napakabuti mo pong tao..Sorry po ulit,” saad ni Dimples sa caption ng post kasama ang larawan nila ng “It’s Showtime” host.
Related Chika:
Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U
Lucky contestant sa ‘Wowowin’ hindi agad naniwala kay Bitoy, biglang binabaan ng phone
Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating