HOT topic ngayon sa social media ang nangyaring “aberya” sa ginanap na grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 kagabi sa Araneta Coliseum.
Maraming nagtaka at nagtanong kung ano talaga ang tunay na nangyari sa ilang sandaling pagkaka-delay sa announcement ng nanalong Bb. Pilipinas International 2022. Si Miss Cebu Nicole Borromeo ang nakasungkit ng nasabing titulo.
Sa mga naglabasang litrato at video sa social media makikita ang host na si Miss Universe 2018 Catriona Gray na biglang huminto sa pag-announce ng kandidatang nanalo.
Dito na tumayo ang isang staff at lumapit kay Catriona at sa isa pang host na si Bb. Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordovez. May ibinulong ito sa dalawang beauty queen kaya napangiwi ang mga ito na kitang-kita sa litrato.
Kaya naman marami ang kinabahan dahil baka raw may nangyaring aberya o pagkakamali sa announcement ng winners. Hindi naman nabanggit nina Catriona at Nicole kung ano ang naging problema.
Ito ngayon ang mainit na isyung pinagtatalunan ng mga netizens at ng mga pageant fans na tumutok at nagpuyat sa finals night na umabot ng pasado ala-1 nang madaling araw.
Isa sa mga nag-post ng kanyang reaksyon sa nangyaring delay ay ang TV host-comedian na si Vice Ganda. Nagtaka rin siya kung bakit ang tagal bago i-announce ang nanalong Bb. Pilipinas International 2022
Unang tweet ni Vice, “May very wrong! #BinibiningPilipinas.” At sinundan pa niya ito ng, “Anu kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls!”
Narito naman ang comments ng kanyang Twitter followers hinggil sa issue kung saan karamihan sa mga nabasa namin ay nagsabing deserving ang Kapuso star na si Herlene Nicole Budol na magkaroon ng titulo at korona.
Pumasok sa Top 12 candidates si Herlene at itinanghal ngang 1st runner-up.
“Totoo. Kasi dba napakabilis naman mag announce Ng winners and tbh may deserving talagang manalo. Sorry I’m really rooting for Nicole Budol on this one.”
“Nicole is a great performer, she’s got great pasarela. However, she’s still not ripe to be sent in an international pageant. Super visible yung kaba niya and need pa hasain ang QnA. Resign nalang siya and sali ulit next year like what Gabby did last year.”
“Kala ko nga for miss Grand International siya. Hehehe pero dalawa pinagpipilian ko is either 1st runner up or miss grand international.”
“I’m also from Angono rizal and i support herlene so much but herlene doesn’t deserve a higher placement for now dahil wala siya masyadong background sa pageantry kundi iisa lang yun ay Ginoo at Binibining Angono 2018. Bakit isasabak intl. ang iisa lang ang experience sa pageant.”
“Nagkapalit siguro ang International at Intercontinental. Pinanindigan na lang, or baka later na lang i-announce dahil pareho pa rin naman panalo. If not, what was that long suspense for? #BinibiningPilipinas2022.”
“Kasi di ba I think overall score ang pinag basehan (swimsuit, gown, q and a), and Gabby Basiano aced two of the three categories (possible rin na all three), she won best in swimsuit and long gown.”
“Yes agree! Mukhang pinanindigan nalang para walang eksena but noticed that their names were not seen nung pagkaannounce sa MIC at MI hahaha so naniniwala akong may something wrong.”
https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/320209/herlene-budol-humakot-ng-special-awards-sa-bb-pilipinas-2022-gabriel-basiano-tinuhog-ang-best-in-evening-gown-at-best-in-swimsuit
https://bandera.inquirer.net/315532/bb-gandanghari-ogie-diaz-nagkabati-na-nang-magkita-sa-us-nagyakapan-kami-wala-nang-sorry-sorry