Ate Guy nanaginip bago gawin ang ‘Himala’: Nakaluhod ako sa altar, tapos pagtingin ko kay Mama Mary ngumiti siya…

Imee Marcos, Nora Aunor at Charo Santos

TUWANG-TUWA ang mga fans at supporters nina Charo Santos-Concio, Sen. Imee Marcos at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Superstar Nora Aunor.

Nagkaroon kasi ng instant reunion ang tatlo sa naganap na 70th FAMAS Awards nitong Sabado ng gabi sa bagong renovate na Metropolitan Theatre sa Maynila.

Si Charo ang nanalong best actress sa nasabing award-giving body para sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon”, habang FAMAS Natatanging Alagad ng Sining awardee si Ate Guy at ginawaran naman si Sen. Imee ng Exemplary Awardee in Public Service.

Naging part kasi ng iconic and award-winning Filipino film na “Himala” sina Ate Guy, Charo at Sen. Imee at muling nagkita-kita sa awards night ng FAMAS 2022.

“Imee, Nora Aunor and I had a reunion photo backstage. Imee was my boss in the Experimental cinema when we did the now classic Himala,” ang pahayag ni Charo sa panayam ng ABS-CBN.

Ini-repost naman ni Sen. Imee ang litrato nilang tatlo sa kanyang Instagram account kung saan nagparinig pa ito kung keri pa ba nilang magkaroon ng reunion project.

“3 Dekada ’70 FAMAS Babies na sina Sen. Imee Marcos, Superstar National Artist Nora Aunor, Charo Santos- Reunited; Ubra pa daw kaya mag-comeback movie together? Anong say nyo?” sey ng senadora sa kanyang caption.

Alam na naman ng lahat na si Ate Guy ang bumida sa 1982 classic movie na “Himala” kung saan si Charo naman ang naging executive producer.

“As you know, in the 80’s, Imee headed the ECP (Experimental Cinema of the Philippines). ECP launched a scriptwriting contest and chose ‘Himala’ of Ricky Lee and ‘Oro Plata Mata’ of Peque Gallaga as winners. These were produced into films, now classics.

“ECP got me to produce these, followed by ‘Soltero’ and ‘Misteryo sa Tuwa.’ Imee was my boss. She was very professional and entrusted me with the work. These were restored by ABS-CBN archives,” pahayag pa ng dating presidente ng ABS-CBN.


Sa panayam noon ng Cinema One documentary tungkol sa “Himala”, naikuwento naman ni Sen. Imee  ang tungkol sa pagpo-produce ng nasabing pelikula.

“The ECP at that time ay itinatag to promote Filipino film and to produce films that would not otherwise have been produced regarding Filipino culture and society. So yun nga ang pangarap namin, magkaroon ng scriptwriting contest at yung pinakamaganda ay talagang mapro-produce.

“Ang daming nagpasa  merong nagbanggit, ‘Ito maganda ito, kay Ricky Lee daw pero hindi pwede i-produce ito eh, undoable.’ Yung topic religion; eh, type ko yun. Religion major ako.

“Talagang parati kong inaaral, kulto. Ewan ko ba, naging personal na. Naniniwala kasi ako diyan, napaka-Pilipino niyan. Kasi ang Pilipino kailangan talaga may paniniwala, may hinahangaan, may inaasahang himala,” sabi pa ng kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos.

“Imee, as the leader of the project, the leader of the team, she had the vision of launching that scriptwriting contest, and from there, choosing the film that would enter the international film festival, which was project of then First Lady Imelda Marcos,” pahayag ni  Charo sa nasabing dokumentaryo.

Kuwento naman ni Ate Guy, may napanaginipan daw siya bago niya natanggap ang offer para gampanan ang karakter ni Elsa sa “Himala.”

“Mga two weeks bago in-offer sa akin yung pelikula, nanaginip kasi ako. Basta nakaluhod ako sa isang altar, nakaharap ako sa cross. Sa right side ko, si Mama Mary. Pagtingin na pagtingin ko kay Mama Mary, ngumiti siya nang pagkaganda-gandang ngiti talaga.

“After three weeks, dumating yung offer na gagawin ko yung ‘Himala.’ Nagulat ako dahil ito yung napanaginipan ko kaya hindi ako talaga nagdalawang isip na tanggapin yun. Siyempre si Kuya Ricky (Lee) ang sumulat, alam kong maganda yung pelikula,” she added.

https://bandera.inquirer.net/319168/darryl-yap-may-3-eksenang-pinutol-sa-maid-in-malacaang-ok-lang-yung-napapagalitan-ako-wag-lang-mademanda

https://bandera.inquirer.net/320071/imee-marcos-nagmana-sa-amang-si-ferdinand-marcos-sr-tinawag-na-maid-in-malacanang
https://bandera.inquirer.net/314893/karen-davila-napikon-nga-ba-nang-sabihan-ni-imee-marcos-ng-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos

Read more...