Herlene Budol pasok sa Top 12 ng Bb. Pilipinas 2022 pageant; makasungkit nga kaya ng titulo at korona?

Herlene Budol

PASOK sa Top 12 candidates ng Binibining Pilipinas 2022 pageant ang Kapuso comedienne na si Herlene Budol mula sa Angono, Rizal.

Sa kanyang mensahe sa wikang Tagalog, ipinagdiinan ng dalaga ang kahalagahan ng kulay ng mga Pinay — ang kayumanggi na siyang tunay na kumakatawan sa bawat mamamayang Filipino.

Ibinahagi rin ng dalaga ang kanyang mensahe tungkol sa natutunan niyang pagkakaisa para sa bansa na aniya ay natutunan niya kay Miss Universe Pia Wurtzbach.


Palakpakan at hiyawan naman ang audience sa Araneta Coliseum nang tawagin ang pangalan niya sa Top 12 at habang nagsasalita at nagbibigay ng mensahe.

Ang iba pang maswerteng nakapasok sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022 grand coronation night ay ang mga sumusunod.

Miss Laguna Yllana Marie Aduana

Miss Nueva Ecija Diana Mackey

Miss Tarlac Jasmine Omay

Miss San Pablo, Laguna Roberta Tamondong

Miss Tacloban City Chelsea Fernandez

Miss Iloilo City Karen Mendoza

Miss Bataan Annalena Lakrini

Miss Batangas Anna de Mesa

Miss Cainta, Rizal Stacey Gabriel

Miss Cebu City Nicole Borromeo

Miss Eastern Samar Gabrielle Basiano

Sasabak ang Top 12 sa swimsuit, gown at question and answer segment at mula rito ay pipiliin na nga ang 2nd runner-up, 1st runner-up, Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International.

Tracy Maureen Perez pasok na sa Top 13 ng 70th Miss World; Miss Mexico pinalakpakan, hiniyawan nang bongga

Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz pasok sa Top 100 ng 2021 Miss Universe

Read more...