SB19 humataw sa opening ng Bb. Pilipinas 2022; Catriona Gray, Nicole Cordoves wagi ang energy bilang hosts

SB19

NAGPIYESTA na naman ang mga fans ng award-winning P-pop group na SB19 habang nagpe-perform ang grupo sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022.

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang finals night ng nasabing national pageant sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Ang SB19 ang nagbukas ng event sa pamamagitan ng pagkanta ng Binibining Pilipinas theme song na sinabayan ng paglabas ng 40 kandidata sa stage para sa kanilang intro segment.

And as expected, bumaha na naman ng mga litrato ng SB19 at sandamakmak na comments sa social media habang humahataw on stage sina Pablo, Ken, Stell, Josh at Justin.

Halos iisa lang ang sinasabi ng mga netizens sa performance ng grupo – SB19 lang ang SAKALAM!
Abangers pa rin ang fans ng grupo sa muli nilang pagsampa sa entablado para kantahin ang “Bazinga” at “SLMT.”

Samantala, winner na winner naman sa manonood ang energy ng mga host na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International first-runner up Nicole Cordoves.

Kasalukuyan nang ina-announce ang Top 12 candidates na maglalaban-laban sa next round.
https://bandera.inquirer.net/318478/catriona-gray-nicole-cordoves-balik-rampa-bilang-mga-host-ng-bb-pilipinas-2022-finals-night

https://bandera.inquirer.net/285241/nakakatuwa-na-kahit-ibang-lahi-pinipilit-nilang-intindihin-ang-salita-at-kultura-natin

https://bandera.inquirer.net/316323/bb-pilipinas-2022-candidates-time-out-muna-sa-tensiyon-nakipaglaro-nakipagkulitan-sa-mga-ulilang-bata

Read more...