PUMANAW na ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Fidel V. Ramos. Siya ay 94 years old.
Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos ngayong araw habang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon dulot ng COVID-19. Ngunit habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas ang pamilya ng dating pangulo hinggil sa tunay na dahilan ng pagkamatay nito.
Kinumpirma naman ng PTV sa pamamagitan ng social media na namaalam na nga ika-12 presidente ng Pilipinas pati na rin ng ilang government officials na nakiramay sa mga naulila ni Ramos.
Nagsilbing Pangulo ng bansa si FVR mula 1992 hanggang 1998. Pero bago naging politiko at public servant nagsilbi muna siya bilang sundalo hanggang sa hiranging deputy chief staff ng Armed Forces noong 1981.
Nagtapos din ang dating pangulo sa U.S. Military Academy sa West Point, N.Y., at sa University of Illinois sa Amerika. Kasunod nito pumasok din siya sa Philippine Army, at nagsilbi bilang sundalo sa Korea at Vietnam.
Noong 1972 in-appoint siya ni President Ferdinand Marcos bilang hepe ng Philippine Constabulary at noong nagkaroon ng martial law, isa si Ramos sa mga nagpatupad nito.
Bago siya hirangin bilang pangulo ng Pilipinas, nagsilbi muna siya bilang miyembro ng gabinete ng dating Pangulong Cory Aquino.
Una bilang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Secretary of National Defense mula 1986 hanggang 1991.
Kung matatandaan, nakumpleto pa ni FVR ang kanyang first at second dose ng anti-COVID-19 vaccine noong nakaraang taon sa Del La Salle Santiago Zobel campus sa Muntinlupa City.
Samantala, narito naman ang official statement ng Malacanang sa pagpanaw ni Ramos.
“It is with great sorrow that we learn of the passing of former president Fidel V. Ramos. He leaves behind a colorful legacy and a secure place in history for his participation in the great changes of our country, both as military officer and chief executive,” ang bahagi ng pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
“We deeply condole with his family, friends, classmates, and associates and keep him in our prayers,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/284485/willie-ai-ai-may-lovelife-advice-kay-rhian-mas-ok-na-magkaroon-ka-rin-ng-sariling-pamilya
https://bandera.inquirer.net/315300/khalil-sa-serye-nila-ni-gabbi-its-quite-ambitious-mapapatawa-ka-matatakot-ka-mai-in-love-ka
https://bandera.inquirer.net/307082/rhian-ayaw-pang-mag-asawa-kahit-31-na-for-me-ang-dami-ko-pang-gustong-gawin-at-ma-achieve