Kuya Kim binanatan ng bashers dahil kay Vhong Navarro, tinawag na ‘plastic’

Kim Atienza at Vhong Navarro

NAKAKALOKA ang ilang fans, tila sobra-sobra na ang galit nila kay Kim Atienza.

Nasabi namin ito dahil nakita namin ang pamba-bash nila kay Kuya Kim nang mag-comment ito sa post ni Vhong Navarro.

Nag-post kasi ang “It’s Showtime” host ng photo ng buong hosts ng noontime show ng Dos sa kanyang Instagram page with this caption: “Maraming salamat Lord!”

Isa sa mga nag-comment ay si Kuya Kim who said, “Congrats on the move to @tv5manila inaanak!”


Tila hindi ito nagustuhan ng mga netizens dahil bakit daw si Vhong lang ang binati nito at dinedma ang iba pa niyang nga dating kasamahan sa show

“@kuyakim_atienza hmp plastic,” say ng isang netizen.

“@kuyakim_atienza wehhh?” sabi naman ng isang basher who added, “@kuyakim_atienza lumutang.”

“Diba haha pahalata,” ang pang-ookray ng isa pang netizen.

“@kuyakim_atienza inaanak talaga? di man lang ‘Congrats sa inyong lahat’? Ano si Vhong lang?” say naman ng isa pang hater.

“@kuyakim_atienza talaga po sana nandyan ka pa po kung di ka lumipat,” say ng isang fan na may halong panghihinayang.

“@kuyakim_atienza the best talaga ang showtime abscbn parin nangunguna 40 million subscribers sa YouTube mas marami ang nagsubaybay sa kapamilya network,” say naman ng isang maka-“It’s Showtime.”

Nakakaloka ang mga basher, ‘di ba? Wala namang masamang ibig sabihin si Kuya Kim, kung bakit binash na nila.

https://bandera.inquirer.net/316766/vhong-navarro-inasar-si-ruffa-gutierrez-sa-ex-boyfriend-na-si-john-lloyd-cruz

https://bandera.inquirer.net/309242/vhong-excited-na-sa-pagbabalik-ng-madlang-pipol-sa-studio-ng-showtime-soon-mangyayari-na-yan
https://bandera.inquirer.net/304529/vhong-napaiyak-nang-bigyan-ni-willie-ng-p1-m-bilang-tulong-matapos-mabugbog-at-maospital

Read more...