Derek pinagtripan ng mag-inang Ellen at Elias, napasigaw dahil sa daga

Ellen Adarna, Derek Ramsay at Elias Modesto

MATINDI pala ang takot ni Derek Ramsay sa daga.

Nabuking ang kanyang fear of the rodents when his wife Ellen Adarna posted a short video ng prank ng anak niyang si Elias kay Derek recently.

Ipinakita sa short video ni Ellen si Elias na naglakad patungo kay Derek na tila naglalaro sa kanyang cellphone habang nasa couch.

May dala-dala siyang plastic na daga na inilagay niya sa ulo ni Derek.

Nang mahulog ito sa katawan ng asawa ni Ellen ay talagang napasigaw ang actor sabay bato sa nalaglag na daga.


“Papa D’s worst nightmare. ‘Bakit mo binilhan ng ganyan? Ang dami daming laruan?!” ang caption ni Ellen sa kanyang IG video.

“I need to get over this fear of rodents,” say ni Derek sa comment section.

Ang daming nag-react sa video na iyon ng aktor at halos lahat ay nagsabing kahit naman sino ay mapapasigaw kapag daga na ang involved lalo pa’t nalaglag pa yun mula sa ulo mo.

“Omg! Also my hubby’s worst nightmare! Gwapa where can I buy one?”

“Parang totoo ang daga.”

“OMG! Nagpapabili ng mouse ung anak ko hahahahahaha.”

“Nakailang ulit ako panoorin.”

“Dami ko tawa whahaha.”

“Hahaha shocks. Mao sab na akong pinaka sa tanan. Mamatay kog ilaga jud. Amahan.”

“Buanga dzai elen ui. Murag di na gud madrawing nawong sa imung bana.”

https://bandera.inquirer.net/299909/derek-mas-bumongga-ang-buhay-dahil-kina-ellen-at-elias-its-perfect-i-love-you-baby

https://bandera.inquirer.net/287211/derek-hindi-inaagaw-si-elias-kay-john-lloyd-mabuti-siyang-tatay-at-wala-kaming-isyu

https://bandera.inquirer.net/304380/maxene-tinawag-na-one-of-the-best-trips-of-my-life-ang-pagrampa-sa-baguio-nilabanan-ang-takot

Read more...