MULA sa pagsampa sa mga barko at pagtatrabaho sa iba’t ibang international cruise lines, natupad na rin sa wakas ang matagal nang pangarap ng isang kontesero sa mga amateur singing contest noon.
Yes, recording artist na nga si Captain Peter o mas kilala bilang si Pitz Beriña, ang tinaguriang Singing Captain.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinarinig ni Pitz sa members ng entertainment press ang kanyang awiting “Kita Ay Mahal.”
Mula ito sa malikhaing komposisyon at areglo ni Vehnee Saturno kaya naman ipinagmamalaki ng Singing Captain ang kanyang kanta patungkol sa wagas na pagmamahal.
Bukod diyan ay may anim pang original songs si Pitz at pitong cover songs na lahat ay Original Pilipino Music.
Kasalukuyan na ring naririnig sa iba’t ibang radio stations ang ni-revive niyang kanta na “Muli,” na pinasikat noon ni Rodel Naval.
Idol na idol daw niya ang mga OPM icons na sina Gary Valenciano at Martin Nievera. Pero ang ultimate musical influence niya ay ang international artist na si James Ingram.
Nais ni Pitz na maging inspirasyon hindi lamang sa kanyang kapwa seafarers pero maging sa lahat ng Filipino na abutin lang ang kanilang mga pangarap — kahit na anumang kulay, edad o estado pa man yan ng buhay.
Sa ngayon ay puspusan ang ginagawang pagpo-promote ni Pitz sa kanyang mga kanta.
Nagbabalak din daw siyang pasukin ang pagkakaroon ng kanyang own media production at talent agency sa layong makatulong sa iba pang Filipino na may mga natatagong talento sa pag-awit, pag-arte o pagsasayaw.
Nais din daw niyang maging bahagi ang kanyang mga kanta sa iba’t ibang teleserye sa telebisyon pati na rin sa mga pelikulang Pinoy.
Bukod sa pagtulong at pagsuporta sa mga kapwa niya marino, may mabuti ring puso si Pitz na handang tumulong sa mga street people. Malapit na rin daw niyang ilunsad ang isang institusyon para sa mga ito.
https://bandera.inquirer.net/285661/babaeng-fil-am-hero-na-si-ari-agbayani-kabilang-sa-bagong-serye-ng-captain-america
https://bandera.inquirer.net/308682/brenda-mage-nagpaalam-na-sa-showbiz-babalik-na-sa-misamis-oriental-may-1-wish-na-hindi-natupad
https://bandera.inquirer.net/305347/nadine-diego-super-intense-sa-greed-vivamax-tuloy-ang-pag-ariba-ngayong-2022