TALAGA namang oppang-oppa na ang datingan ngayon ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil sa kanyang kaguwapuhan at fit na fit na katawan.
Bumagay naman sa Kapuso heartthrob ang kanyang medyo payat na katawan na talagang kinarir daw niya mula pa noong kasagsagan ng pandemya.
Ayon sa binata, sinimulan niya ang pagpapapayat noong gawin niya ang seryeng “The World Between Us”. Bukod sa kanyang “secret diet”, binago daw talaga niya ang kanyang lifestyle.
At kahit wala raw siyang project, hindi na niya ito itinigil hanggang sa dumating na nga ang offer ng GMA 7 sa kanya para magbida sa “Start Up PH.”
“Nag-start po talaga yung pag-change ng lifestyle ko nu’ng The World Between Us. Parang tinanggal ko na po kasi sa isip ko yung magpi-prepare sa isang bagay na alam mong darating,” pahayag ng Pambansang Bae sa kanyang solo presscon kamakailan.
Aniya pa, “So, ngayon po, parang mas naging madali para sa akin na baguhin na talaga totally yung lifestyle ko para kagaya po nito na may mga proyekto tayo na kailangang paghandaan, hindi na po ako…kumbaga yung cramming po nabawasan.
“Hindi na po ako napi-pressure kasi hindi ko na po siya kailangang paghandaan dahil lifestyle ko na po siya.
“So, yun na po yung ginawa kong change sa buhay ko ngayon, and parang sakto nga po lahat. Kasi, lahat nga po aligned, e,” chika pa no Alden.
“Lahat tumutugma na hindi po ako napapagod, hindi po ako napi-pressure, hindi po ako nahihirapan, hindi rin po ako feeling deprived.
“Kasi, mas masarap po sa pakiramdam. And at the same time, hindi po ako masyadong nalulungkot with that journey and the process of the change in lifestyle na ginawa ko po sa buhay ko,” dagdag pa niyang pahayag.
Samantala, natanong din si Alden kung bakit pumayag siyang tanggapin ang role sa “Start Up PH” bilang si Good Boy o Tristan na isang prangka at medyo masungit.
“Sa totoo po, lahat naman ng roles, very difficult for me. Siguro, it’s because ganun ko siya tini-take. Ayoko pong isipin na merong role na madali. Kailangan lahat po siya pinaghihirapan, para to make it more….parang mas iba kesa du’n sa pinortray mo before.
“Kasi, kahit sabihin mo na kapareho lang ng role sa ganitong soap, ganyan-ganyan. Hindi po kasi ako naniniwala du’n kasi meron po akong conscious effort to really, parang i-evolve siya from my previous role.
“Parang baguhin yung atake, with the slightest eye movement, physically, pananamit, hairstyle.
“Yun po kasi talaga yung ano ko, e, isa sa mga principles ko as an actor na there are no similar roles na ibibigay sa iyo. You just have to do your assignment, and make it on your own and make it different all the time,” pahayag ni Alden.
Samantala, ang “Start-Up PH” din ang unang teleserye ni Bea Alonzo bilang Kapuso. Kasama rin dito sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Kim Domingo, Gina Alajar at marami pang iba. Ito’y sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.
https://bandera.inquirer.net/316655/direktor-ng-pinoy-version-ng-start-up-ikinumpara-sa-alak-si-bea-nasaksihan-ang-magic-ni-alden
https://bandera.inquirer.net/308165/jolina-feeling-cinderella-sa-mamahaling-sapatos-na-iniregalo-ni-regine-na-shock-ako-kumasya-fit-na-fit
https://bandera.inquirer.net/280490/buti-na-lang-nagbago-ako-ng-lifestyle-kundi-wala-na-ako-ngayon-o-may-cancer-na-ko