Hirit ni Kiray, dapat ‘P500k above’ ang engagement ring na ibibigay ng dyowa: May trabaho naman siya kaya galingan niya, ‘no?!

Kiray Celis at Stephan Estopia

“HINDI ako bababa sa P500,000! Kailangan, mas mataas!”

Yan ang nakakalokang hirit ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis nang mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Ang tinutukoy ni Kiray ay ang presyo ng engagement ring na dapat daw ibigay sa kanya ni Stephan kapag naisipan na nitong mag-propose sa kanya.

In fairness, ngayon pa lang ay napag-uusapan na raw nila ng kanyang non-showbiz boyfriend ang tungkol sa kanilang magiging wedding.

Aniya, natural lang daw sa mga magdyowang nagmamahalan na magplano tungkol sa kanilang future, and of course, kasama na riyan ang pagpaplano ng kasal.

Siguradong wala na namang tututol sakaling magdesisyon nang magpakasal sina Kiray at Stephan dahil botong-boto naman ang kani-kanilang pamilya  sa kanilang relasyon.

Pero sa virtual mediacon ng bagong panghapong serye ng GMA, ang sexy-drama na “Return To Paradise”, sinabi ni Kiray na ayaw naman niyang magpaka-asyumera sa pagpo-propose alng boyfriend.

“Basta kapag nagmu-mall kami, nagtitingin na siya ng mga diamond ring. Sabi ko, ‘Hindi ako bababa sa P500,000. Kailangan, mas mataas.’

“May trabaho naman siya. So, galingan niya, ‘no?! Sa tagal-tagal na panahon na hindi ako nag-boyfriend, tapos yun lang pala yung hinintay ko, di ba?

“Pero alam niya na deserved ko. Nagtingin-tingin na siya. Naririnig-rinig ko, pero natatawa lang ako sa kanya.


“Ang hirap naman mag-assume pero napapag-usapan naman namin. Ang sarap sabihin na ramdam mo kapag tamang tao para sa ‘yo,” ang dire-diretsong chika pa ng komedyana.

Samantala, talagang napakasuwerte ni Kiray ngayong 2022 dahil mula nang lumipat siya sa GMA 7 ay hindi na siya nawalan ng trabaho.

Bukod sa mga guesting niya sa mga programa ng Kapuso network ay may bago na naman siyang teleserye, ito ngang “Return to Paradise”, na magsisimula na bukas, August 1, after “Eat Bulaga.”

Sey ng dalaga, ngayon lang daw siya nagsisimulang mag-ipon para sa kanyang sarili at sa future ng sarili niyang pamilya.

“Ngayon kasi, parang sa tagal ng panahon na nagwu-work ako, parang ngayon pa ako nag-e-enjoy.

“Ang weird nga, e! Ngayon kasi, parang nabibigyan na ako nina Mama at Papa na mag-save na for myself.

“Sa tagal-tagal na nagtatrabaho ako para sa parents ko, since three years old ako, and para sa family ko, ngayon lang ako nakapag-save para sa sarili ko.

“Kaya ngayon lang ako nag-enjoy na mag-work na mag-work. Kasi, meron na akong natatago para sa sarili ko,” pahayag ni Kiray sa mediacon ng “Return To Paradise.”

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nawawalan ng work si Kiray ay dahil sa husay nitong makisama sa trabaho, hindi lang sa kanyang co-actors kundi maging sa production staff.

Ang “Return To Paradise” ay pagbibidahan ng Sparkle artists na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Makaka-join din nila rito ang nagbabalik-Kapuso ni si Eula Valdes.

https://bandera.inquirer.net/300481/kiray-nagsusuot-ng-sexy-ootd-hindi-para-bastusin-at-laitin-allow-me-to-be-confident-with-my-body

https://bandera.inquirer.net/308916/sa-mga-girls-hanapin-nyo-yung-lalaking-hindi-lang-kayo-ang-mahal-kundi-pati-ang-mga-taong-mahal-nyo

https://bandera.inquirer.net/294712/buboy-umaming-pwedeng-ma-in-love-kay-kiray-stephan-estopia-super-selosong-dyowa

Read more...