Imee Marcos nagmana sa amang si Ferdinand Marcos Sr., tinawag na ‘Maid in Malacañang’

Imee Marcos nagmana sa amang si Ferdinand Marcos Sr., tinawag na 'Maid in Malacañang'
MAINGAY ba talaga si Senadora Imee Marcos? Ito ang palaisipan sa mga nakapanood sa advance screening ng “Maid in Malacanang” kagabi sa SM The Block na dinaluhan ng mahigit 300 guests na dumaan lahat sa Antigen swab test.

Ito kasi ang napansin ng media dahil ang ingay-ingay ni Cristine Reyes na gumanap bilang si Sen Imee. Bale ba ang tinis ng boses ng aktres kaya nakadagdag ‘bingi’ factor pa ito sa kabuuan ng pelikula o pinasadya ito ng direktor na si Darryl Yap?

Si Sen. Imee ang bida sa pelikula dahil sabi nga ng amang si dating Presidente Ferdinand E. Marcos Sr. ay gusto niyang pasalamatan ang anak dahil halos lahat ay siya na ang gumagawa at nag-iisip kung ano ang maganda para sa lahat at saka binanggit ang “ikaw ang Maid in Malacanang.”

Halos lahat kasi ay dumadaan kay Sen Imee kung ano ang pagkain nilang pamilya, pagkain ng buong PSG, staff at mga naninilbihan sa kanila at take note, ang pagkakaiba lang ay ang production design na ihahain sa lamesa pero iisa ang food nilang lahat, maliban na lang kung may ibang gustong lutuin ang mga household nila.

Going back to Cristine’s role ay sobrang stress siya sa buong pelikula na feeling namin ay hindi bumababa ng 120 ang blood pressure nito sa bawa’t eksena dahil high pitch siya parati.

Sabi nga ni Apo Marcos ay naniniwala siya sa mga desisyon ng panganay niyang anak dahil mana ito sa kanya.

Ang tagal nang hindi humaharap sa camera ni Cesar Montano pero ang husay talaga. Siya ang gumanap bilang si Apo Marcos at ang anak na si Diego Loyzaga bilang si Presidente Bongbong Marcos, Jr as Bonget na ang haba ng linyahan nilang mag-ama. Tagisan ng acting.

Nakulangan kami kay Ruffa Gutierrez bilang si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos o baka pina-tame lang kasi nga dapat ang mag-shine ay ‘yung mga bida sa pelikula, ang tatlong maids na ginampanan nina Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.

Shocked kami kay Kiko Estrada bilang si Ginoong Tommy Manotoc Jr. dahil ang laki ng katawan at tatay na tatay ang dating. Sadya sigurong nagpataba ang aktor para sa karakter niya? Pero sa totoo lang, lean ang katawan noon ng ex-husband ni Senadora Imee kasi nga sportsman ito.

Okay lang para sa amin ang acting ni Ella Cruz bilang si Gng Irene Marcos-Araneta na hindi makapag-decide ng sarili kasi nga sumusunod siya sa manang Imee niya kasama si Bongbong.

Hindi tumatak sa amin si Kyle Velino bilang si Ginoong Greggy Araneta na asawa ni Ms Irene pero okay na rin sigurong pangdagdag sa profile portfolio na napasama siya sa pelikulang “Maid in Malacanang”.

Anyway, aliw kami sa tatlong kasambahan ng Marcos family lalo na si Biday, siya ang kuwela sa lahat at maging sa first family kaya naman hanggang ngayon ay kasama siya ng Unang Ginang.

Going back to Sen Imee ay siya ang naging sandalan ng buong pamilya sa last three days nila sa Malacanang at hanggang sa huling sandali ay hindi niya iniwan ang mga nagsilbi sa kanila ng ilang taon dahil tinuruan niya ang mga ito para hindi masukol o saktan ng mga supporters ng dating pangulo na si Ginang Corazon Cojuangco-Aquino na lumusob sa palasyo base sa pelikula.

Kung ano ang ipinakitang kuwento ni direk Darryl sa pelikula kung paano makitungo ang pamilya Marcos sa lahat ng nagsilbi sa kanila ay totoo lahat dahil isa ang tiyuhin namin sa loyal PSG nila at nakasama pa nila sa Hawaii.

Mapapanood na ang “Maid in Malacanang” sa Agosto 3 sa mga sinehan mula sa Viva Films at idinirek ni Darry Yap mula sa kuwento ni sen Imee Marcos.

Related Chika:
Darryl Yap may 3 eksenang pinutol sa ‘Maid In Malacañang’: OK lang yung napapagalitan ako, wag lang mademanda

Cristine sa pagganap bilang Imee Marcos: Ang tindi ng pressure, pinag-aralan ko talaga bawat kilos at salita niya, pati ikot ng mata

Karen Davila napikon nga ba nang sabihan ni Imee Marcos ng, ‘Akala ko magma-migrate ka ‘pag nanalo ang Marcos?’

Read more...