True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?

True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?
ISA ang asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao sa mga naging topic nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang “Cristy Ferminute” show.

Diumano’y nagmaldita raw ang asawa ni Manny habang nasa Los Angeles, California, USA dahil binisita nito ang anak na si Jimuel Pacquiao.

“Diyos ko ang Jinkee Pacquiao daw, nanay, nagmaldita raw sa abroad, sa ilang Pinoy sa abroad. Ano ba itong pagmamaldita niyang ginawa?” saad ni Romel Chika.

Sinagot naman ito ng kolumnista base na rin sa sinabi ng kanyang source.

“Hindi, kasi ganito ‘yan, nasa Los Angeles siya ngayon. Dahil yung anak niyang si Jimuel, doon na naninirahan, doon nangangarap [na] maging [katulad ng] tatay niya, fumo-focus sa boxing,” pagbabahagi ni Nanay Cristy.

Ang kwento ay paikot-ikot raw si Jinkee sa Los Angeles kaya naman hindi maiwasang hindi ito makakita ng kapwa Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa lugar.

May mga Pinoy raw kasi na nakasaksi ng tila pagma-maldita ng asawa ni Manny bagay na hindi nagustuhan ng ating mga kababayan.

“Ang punto diyan ng mga Pinoy, yun bang, dahil celebrity ka eh, dapat marunong kang makisama at makitungo. Alam mo, Romel, ito, sa akin ‘to, pananaw ko ‘to. Ang kagandahan ni Jinkee Pacquiao, maano, paano ko bang sasabihin? Hindi malambot ang kagandahan. Napakatigas,” saad ni ‘Nay Cristy.

“Kung wala nga siyang pampaganda? Kung hindi siya nagpapasalamat sa doktor, mukhang buruka ‘tong babaeng ‘to e. E matigas na nga ang ganda mo, sisimangot-simangot ka pa? Iirap-irapan mo pa yung mga tao,” pagpapatuloy pa niya.

Inihalintulad pa nga ni Nay Cristy ang beauty ni Jinkee sa aktres na si Bianca King at sinabing maganda ngunit matigas raw ang mukha na marahil ang nais ipakahulugan ay fierce ang dating nito o intimidating.

Aniya, dapat raw ay matuto itong maging pala-ngiti sa mga Pinoy dahil kahit na sabihing hindi siya celebrity ay isa siya sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas lalo na at asawa siya ng Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao.

Wala pa namang sagot si Jinkee hinggil sa mga naging komento sa kanya ng kolumnista.

Related Chika:
Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Jinkee Pacquiao pinagyayabang ang kayamanan?

Read more...