Kim Chiu nai-video ang malakas na paglindol: Oh my gosh! Oh my gosh, I’m scared!

Kim Chiu nai-video ang malakas na paglindol: Oh my gosh! Oh my gosh, I’m scared!

TAKOT na takot ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu nang maranasan ang malakas na lindol kaninang umaga.

Nakunan ng video ni Kim ang nangyaring pagyanig dulot ng magnitude 7 na lindol na naganap pasado alas-8 ng umaga ngayong Miyerkules, July 27.

Base sa ulat ng Phivolcs, naitala ang magnitude 7 na lindol sa Abra na siyang pinakasentro ng pagyanig na naramdaman din sa iba pang bahagi ng Luzon at Metro Manila.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Kim ang isang video kung saan makikitang naggagalawan ang chandeliers sa loob ng kanilang bahay.

Feeling daw niya ay nasa dagat siya at nilalaro ng alon at kitang-kita rin niya ang pag-alog ng mga ilaw sa chandeliers. Maririnig nga sa video ang pagka-shock ng aktres habang ibi-video ang pagyanig.

“Hala, ang lakas ng lindol! Oh my gosh! Oh my gosh, I’m scared. OMG!” ang sabi pa ng dalaga sa video.
Sey naman niya sa caption, “Eto lang na video ko sa pagka over over ng lindol!!!!!!!!

“Ang tagal and nakakatakot sa lakas ah!!!!! Akala ko nasa dagat ako na sobrang ma alon! I kennot!” pahayag pa ng aktres.

Kinumusta rin ng girlfriend ni Kim ang kanyang mga fans at social media followers matapos ang lindol. Pinag-ingat din niya ang mga ito sa posibleng mga aftershocks

Base sa report ng mga local government units, napakaraming ari-arian ang nawasak at natumba nang dahil sa lakas ng lindol. Kabilang na riyan ang ilang simbahan sa Ilocos Sur, ang Vigan Cathedral, at ang Bantay Bell Tower sa bayan ng Bantay.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang paghahatid ng tulong at ayuda sa mga naapektuhan ng lindol.

 

Related Chika:
Abra niyanig ng magnitude 7 na lindol; naramdaman din sa NCR, iba pang bahagi ng Luzon

Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang ‘side effect’

Bongbong Marcos siniguro ang mabilis na aksyon sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake

Read more...