SINISIGURO ni Pangulong Bongbong Marcos na makararating ang tulong sa mga Pilipinong naging apektado ng 7.3 magnitude na lindol.
Ibinahagi ng bagong pangulo ang kanyang pahayag ukol sa sakuna sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
“Ngayong umaga, sa oras na 8:43, tayo’y nakaranas ng isang lindol na may lakas na magnitude 7.3. Ang mga ulat ng mga ahensiya at ng mga lokal na pamahalan sa mga lugar na napinsala ay patuloy na dumarating sa ating tanggapan,” saad ni Pangulong Bongbong.
Aniya, sa kabila ng mga nakalulungkot na mga balita ukol sa naging mga pinsala na dulot ng naturang lindol ay sinusuguro nila ang agarang pagbibigay ng tulong para sa mga naapektuhan ng lindol.
“Ating sinisigurado ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng sakunang ito,” dagdag pa ni Pangulong Bongbong.
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa Pilipino lalo na sa mga mamamayan ng Abra.
“Kadagiti kakailiak nangruna ta Abra, agridamtayo ken umasideg kadagiti kameng ti gobyerno no agkasapulan iti tulong. Agmaymaysatayo a bumangon manipud kadaytoy a pannubok,”pagpapatuloy ni Pangulong Bongbong.
(Sa aking mga kababayan lalo na sa Abra, manatiling alerto at sabihan ang gobyerno sakaling mangailangan ng tulong. Tayo’y magkaisa at magkasamang bumangon sa pagsubok na ito.)
Pinaalalahanan naman ng pangulo na mag-ingat ang lahat.
gobyerno no agkasapulan iti tulong. Agmaymaysatayo a bumangon manipud kadaytoy a pannubok.
Mag-ingat po tayong lahat.
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) July 27, 2022
Matatandaang kaninang umaga ay niyanig ng 7.3 magnitude earthquake ang NCR pati na rin ang iba pang bahagi ng Luzon.
“The tremor happened at 8:43 a.m., 2 kilometers southeast of Lagangilang town. It was tectonic in origin and had a depth of 25 kilometers,” base sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Patuloy ring pinag-iingat ang lahat ng mga residente sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks.
Related Chika:
Abra niyanig ng magnitude 7 na lindol; naramdaman din sa NCR, iba pang bahagi ng Luzon
6.6 magnitude na lindol yumanig sa Luzon