Alden na-challenge sa pagganap bilang Good Boy sa ‘Start-Up PH’: Nakaka-enjoy din pala maging masungit

Alden Richards, Bea Alonzo at Gina Alajar

SINISIGURO ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na mag-eenjoy, kikiligin at mai-inspire ang mga manonood sa bago niyang primetime series, ang “Start-Up PH.”

In fairness, ngayon pa lang ay talagang abangers na ang mga Kapuso viewers kung paano ang magiging atake ng GMA 7 sa Pinoy version ng favorite nilang K-Drama.

Bibigyang-buhay ni Alden sa serye ang karakter na Tristan o Good Boy na ginampanan ng K-drama actor na si Kim Seon-ho sa original “Start-Up.”

Siya ang team leader na may super impressive investment skills na napakaprangka at sasabihin ang lahat ng nasa loob niya kahit na may masaktan.

Likas na mabait naman si Good Boy pero masungit at pranka sa mga taong hindi niya feel na ibang-iba sa tunay na ugali ni Alden.

“Hindi naman ako ganu’n eh, kilala n’yo naman ako, eh. Yun yung medyo challenge sa akin kasi bago sa akin yung emotion na yun sa characterization ko,” ang pahayag ng Kapuso heartthrob sa solo virtual mediacon na ibinigay sa kanya ng GMA para sa “Start-Up PH.”

“Isa yun sa mga pinakana-e-excite din ako na ginagampanan ko yung Good Boy kasi hindi ko siya nagagawa madalas sa teleserye ko eh, yung pagiging masungit.

“So ngayon, nabigyan ako ng opportunity. Nakaka-enjo8y din pala maging masungit kahit sa role lang,” chika ni Alden.


Pero sabi ng binata, may ilang qualities si Good Boy na nakaka-relate siya, “Like yung passion ko to get to my goal, and then yung hard work.”

Samantala, bukod nga sa leading lady niya sa upcoming series ng GMA na si Bea Alonzo, nagkuwento rin si Alden tungkol sa naging experience niya working with the award-winning veteran actress and director na si Gina Alajar.

“Feeling ko after nitong (Start-Up PH) bitin ako working with Direk Gina Alajar. Sobrang sarap niya ka-eksena.

“Direk Gina has been in the industry for the longest time and she has this certain comfort na ibinibigay sa akin na hindi niya alam.

“May naibibigay kasi siyang comfort sa akin in every scene that we do at mas marami akong naibibigay na emotions and bonus reactions because of that.

“Sana this won’t be the last, sana mabigyan pa ako ng opportunities to work with her in future projects kung hindi man movies something original kasi ang sarap niyang ka-eksena, sobra,” lahad pa ng Pambansang Bae.

Sa Philippine adaptation ng hit Korean series na “Start-Up”, gaganap si Gina bilang si Lola Ligaya “Joy” Sison, ang selfless at mapagmahal na lola nina Danica (Bea Alonzo) at Katrina (Yasmien Kurdi). Siya rin ang tutulong at kukupkop kay Tristan.

Sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, makakasama rin sa serye sina Jeric Gonzales, Lovely Rivero, Gabby Eigenmann, Jackie Lou Blanco, Kevin Santos, Jojo Alejar at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/313354/alden-feeling-nostalgic-nang-makatrabaho-si-bea-idol-ko-yan-ngayon-kaeksena-mo-na-seryoso-ba-to

https://bandera.inquirer.net/316804/alden-mas-nag-effort-bilang-leading-man-ni-bea-sa-start-up-ph-kailangang-lumebel-kay-kim-seon-ho

https://bandera.inquirer.net/310015/bea-nagsimula-nang-mag-taping-para-sa-start-up-promise-sa-fans-may-bongga-siyang-filipino-twist

Read more...