NIYANIG ng magnitude 7 na lindol ang Lagangilang sa Abra kaninang umaga na naramdaman din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), eksaktong 8:43 nang umaga kanina nang matukoy ang epicenter ng lindol sa Lagangilang, Abra, na may “tectonic” na origin.
Naitala naman ang Intensity IV o “moderately strong” sa ilang bahagi ng Metro Manila, ayon sa Phivolcs.
“The tremor happened at 8:43 a.m., 2 kilometers southeast of Lagangilang town. It was tectonic in origin and had a depth of 25 kilometers,” ayon pa sa report ng Phivolcs.
Dahil sa lakas ng naganap na lindol, inaasahan na ang malawakang damage sa iba’t ibang bahagi ng naapektuhang lugar. Pinag-iingat na rin ang mga residente sa posibleng aftershocks.
Bagama’t mula sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang origin ng lindol, naramadaman din sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang malakas na pagyanig na umabot nga sa National Capital Region.
Samantala, may mga nagpadala naman sa BANDERA ng ilang litrato na kuha sa isang lugar sa Vigan sa Ilocos habang lumilindol.
Makikita sa mga larawan ang mga nagtumbahan at gumuhong bahay at mga establisimyento pagkatapos ng lindol. Ilang sasakyan din ang nawasak nang mabagsakan at matabunan ng mga naglaglagang bato.
https://bandera.inquirer.net/289080/6-6-lindol-yumanig-sa-luzon
https://bandera.inquirer.net/294810/political-clan-sa-central-luzon-may-mga-bodyguards-at-bulletproof-suvs-pa
https://bandera.inquirer.net/283099/sunshine-iyak-nang-iyak-sa-presscon-game-pa-ring-magtrabaho-kahit-tinamaan-ng-covid