NGAYON pa lang ay abangers na ang mga fans nina Darren Espanto at AC Bonifacio para sa una nilang pagtatambal sa upcoming iWant TFC musical-romantic drama series na “Lyric And Beat.”
Excites na ang kanilang mga supporters hindi lang sa mga pasabog nilang production numbers sa una nilang digital series kundi pati na rin sa mga pakilig scenes nila as loveteam.
Amimado sina Darren at AC na magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman nila sa kanilang kauna-unahang serye dahil mas kilala sila ng madlang pipol bilang performers.
“I hope I did well, kinakabahan nga po ako, eh. Kasi it’s my first series and first acting stint talaga was the How’s Of Us and it was a movie (nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).
“Honestly it’s a different environment as well from doing a movie siyempre since we did lock-in tapings.
“So I have more time to be able to prepare for this one and I’ve been always fascinated by the actors the way they can portray different roles like that.
“So being an actor myself in a series po, it’s something I’ve always wanted to do, so talagang pinaghandaan ko po and I hope that I gave justice to the role of Jazz,” pahayag ni Darren sa nakaraang mediacon ng “Lyric And Beat.”
Sey naman ni AC, “My first in a musical series, yes po. But it’s very different because I was given a bigger role meaning more pressure din po on me, but I hope I performed differently from my past series and better, better performance.”
Umaasa rin ang dalawang bagets na mainit na tatanggapin ng mga manonood ang kanilang tambalan sa serye at sana raw magustuhan ng kanilang respective fans ang mga ipakikita nila sa “Lyric And Beat.”
“I was sobrang kilig ko po talaga. Aside from us, our love team, sa sarili ko po talaga and sa trailer po, may acting, may singing and dancing and the fact na alam ko naman na po ang mangyayari sa series, pero sobrang na-excite ako kahit sa trailer pa lang po” sey ni AC.
Handa naman daw ang dalawang Kapamilya stars sakaling magtuloy-tuloy ang tambalan nila. Sabi ni Darren, “It’s really about balance, eh. It’s how you balance from performing and acting also ‘yung iba naming ginagawa outside of that path, siyempre may mga other commitments rin kami to attend to.
“But you really have to know your priorities and you have to make an effort on everything naman talaga on what you do,” dagdag chika pa ng binata.
Nagpapasalamat din si AC sa mga co-stars nila sa “Lyric And Beat” dahil todo nga ang suporta at pag-alalay ng mga ito sa kanilang mga eksena.
“I feel like we’re driven. The whole cast naman po. So we always wanna grow on anyway what we can. Actuallly in singing and dancing, naggo-grow pa rin po kami, we take workshops whenever we can whatever that we can do. And now there’s acting naman po. We’re gonna push for that,” lahad ni AC.
Mapapanood na ang 6-episode musical series na “Lyric And Beat” ngayong August sa iWantTFC kung saan makakasama rin sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Awra Briguela, Kyle Echarri at marami pang iba.
Ito ay mula sa direksyon ni Dolly Dulu. Ang lahat naman ng kantang ginamit sa seryeng ito ay isinulat ni Jonathan Manalo.
https://bandera.inquirer.net/297599/ac-bonifacio-nape-pressure-bilang-unang-artist-ng-star-magic-records
https://bandera.inquirer.net/319223/andrea-seth-kyle-ac-magpapasabog-ng-kilig-at-good-vibes-sa-lyric-and-beat-bakit-na-shookt-si-jonathan-manalo
https://bandera.inquirer.net/286510/robi-edward-darren-ac-solid-ang-barkadahan-sino-ang-puso-ng-kanilang-friendship