Barista sa tea shop ni DJ Jhaiho nanakawan ng cellphone: Pakikalat ang video! Nakakakilabot!

Barista ni DJ Jhaiho sa tea shop ninakawan

DJ Jhaiho

NANAKAWAN ng cellphone ang isang staff ng radio DJ at event host na si Jhaiho sa isa niyang business sa loob ng isang shopping mall.

Awang-awa si DJ Jhaiho sa kanyang empleyado nang malaman ang nangyaring pagnanakaw na kuhang-kuha sa CCTV.

Kitang-kita sa video ang isang lalaki na nakasuot ng itim na face mask na palinga-lingang lumapit sa kanilang Thai tea shop na matatagpuan sa isang kilalang mall at agad-agad na ninenok ang nakapatong na cellphone roon.

Nasalisihan nga ang barista nina Jhaiho dahil talagang itinaon nito ang pagnanakaw nang malingat sandali ang nagbabantay sa tea shop.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ng host at social media personality ang video na kuha sa CCTV kasabay ng pagbibigay ng warning sa lahat ng mga stores na matatagpuan sa mga mall.

Pakiusap ni Jhaiho sa netizens, ikalat ang ibinahagi niyang video, “HELP PLEASE! MAGNANAKAW SPOTTED sa aming @baabaathaiteaofficial.


“Paki kalat ang video nakaka kilabot! Mga hindi lumalaban ng patas!” panawagan pa ni Jhaiho.

Naaawa nga raw siya sa kanyang staff na naghahanap-buhay nang matino para kumita at masuportahan ang kanyang pamilya.

“Nakakaawa ang barista namin na may ari ng cellphone na ninakaw ni kuya! Naghahanapbuhay ng matino tapos nanakawan mo lang?” aniya pa.

Panawagan pa ng DJ ng MOR,  “Kung sino man po ang nakakakilala or namumukhaan ang lalaking ito. ipagbigay alam sa mismong BaaBaa Thai Tea sa 3rd Level ng SM North Edsa Annex.”

https://bandera.inquirer.net/295425/kisses-nabiktima-na-rin-ng-snatcher-sa-edsa-pero-nabawi-ko-rin-po-sa-magnanakaw-yung-cellphone

https://bandera.inquirer.net/308324/gigi-de-lana-ninakawan-na-nga-ng-cellphone-sa-dubai-pinag-isipan-pa-ng-masama
https://bandera.inquirer.net/296427/lolit-cristy-mr-fu-humirit-ng-mamahaling-cellphone-kay-willie-revillame

Read more...