Carol Banawa nakalimutan nang alagaan ang sarili: I have been feeling ‘unhappy’ about my health and how I look…

Carol Banawa

INAMIN ng dating Kapamilya actress-singer na si Carol Banawa na hindi siya masyadong “happy” sa kanyang sarili nitong mga nagdaang araw.

Ayon kay Carol, na naninirahan na ngayon sa Amerika kasama ang pamilya, hindi raw niya masyadong napagtutuunan ang kanyang sarili, pati na ang kalusugan at itsura.

“Lately, I have been really feeling ‘unhappy’ about my health and how I look. I felt like I have ‘let go’ and have not really taken care of myself,” simulang pagbabahagi ng dating aktres na isa na ngayong nurse sa US.

Pagbabahagi pa niya tungkol sa sarili, “I became too comfortable in my own skin and I have forgotten how it felt like to feel and look good.”

At dahil nga rito, nagdesisyon ang aktres at OPM hitmaker na bigyan ng sapat na oras ang sarili para mapagtuunan naman ang kanyang health and fitness journey.

“So, I have decided to improve my fitness, my health, and how I carry myself. People who know me well, know that I always dress for comfort. I don’t really plan on changing much about how I carry and take care of myself.

“Living here in the US and having to do everything yourself, doesn’t really give you the luxury of time to ‘fix yourself up.’ But I will try. Whenever I can. For me. So I can start loving and feeling happy about myself and my health again,” lahad ni Carol.

In fairness, talagang naglista pa siya ng mga bagay-bagay na maaari niyang ibahagi sa mga kapwa niya mommy na nakararamdam din ng kanegahan sa kanilang katawan.

“Try to exercise everyday. I say try because there are still days I get lazy. It’s ok mamas, it is hard to commit. But let’s keep working at it. We will get there. Eye on the prize!

“No more wearing pjs all day. Again, I’m all for comfort   but now, I will try my best to avoid doing this.


“Find time to fix my hair. I ALWAYS WEAR MY HAIR UP. My hair is naturally curly. So finding the time to fix it, is sooo hard.

“So time consuming. BUT, I need to make an effort to fix my hair if that is something that will make me feel good about myself. So I will,” patuloy pang pahayag ng singer.

“So, hello hair! Long time no see   it’s time for a new cut and color,” pahabol pa niyang chika.
Marami naman ang nagsabing nakaka-relate sila sa pinagdaraanan ni Carol at ang iba naman ay nagpasalamat sa mga ibinahagi niyang mommy tips.

Nagpahayag din ng pagsuporta at pakikisimpatya kay Carol ang mga kapwa niya celebrity nanay kabilang na sina Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Kaye Abad at Dimples Romana.

Si Carol ay kasal kay Ryan Crisostomo at biniyayaan nga sila ng tatlong anak.

Angel ‘nalurks’ sa kinalabasan ng bagong hairstyle; Marian, iba pang celebs super react

Joey Reyes nagbigay ng 6 rason kung bakit matumal ang MMFF 2021: Magpakatotoo na tayo!

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

Read more...